Davao de Oro niyanig ng 4.2 magnitude na lindol

Davao de Oro quake

NIYANIG ng 4.2 magnitude na lindol ang Davao de Oro ngayong Huwebes ng umaga, ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).

Walang anumang ulat ng nasugatan o pinsala sa lindol na may lalim lamang na isang kilometro.

Naganap ang pagyanig ganap na 6:37 ng umaga at ang epicenter nito ay matatagpuan may 12 kilometro sa timog-silangan ng bayan ng New Bataan.

Naramdaman ang lindol sa Intensity IV, na itinuturing na katamtaman, sa bayan ng Nabunturan sa Davao de Oro.

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Pacific Ring of Fire, isang lugar kung saan madalas na nararanasan ang lindol at pagputok ng bulkan.

Read more...