Limgas na Pangasinan pageant winners babandera sa national stage
LINGAYEN, Philippines—Pasabog ang pagbabalik ng Limgas na Pangasinan pageant makaraan ang “pandemic pause” nito, dalawa na ang kokoronahang reyna, garantisado pa ang pagbandera nila sa national stage.
“Our winners will automatically compete in the national level. We have two major titles, World and Grand International,” sinabi ng chairperson ng patimpalak na si Maan Tuazon-Guico, maybahay ni Pangasinan Gov. Ramon Guico III, sa isinagawang pagpapakilala ng mga kandidata sa Elizabeth Hall ng Monarch Hotel sa Calasiao, Pangasinan, noong Marso 26.
Sinabi niyang lumagda ang panlalawigang patimpalak ng memorandum of understanding sa Miss World Philippines at Miss Grand Philippines pageant upang maging tiyak na ang pagiging kandidata sa kani-kanilang pa-contest ang mga hihiranging reyna sa Pangasinan.
Kapwa nasa ilalim ng ALV Pageant Circle ng talent manager na si Arnold Vegafria ang dalawang pambansang patimpalak. Siya ang national director para sa Pilipinas ng Miss World at Miss Grand International contest. May katulad na rin siyang kasunduan sa iba pang mga panlalawigang patimpalak.
Sinabi ni Ericka Mae Antolin mula Urdaneta City sa isang panayam ng Inquirer na handa siya sa hamon. “That’s the reason why I also joined Limgas this year, to prepare myself, to be able to gain a good platform for my future advocacies, and be able to represent the country in the international stage, if hopefully I am fortunate to win the national pageant, and I get to represent the province of Pangasinan,” aniya.
Malayo rin ang inaasinta ni Rona Lalaine Lopez mula Mangaldan, nakatanaw na sa labas ng Pilipinas. “I believe I am ready to represent my province on the international level. Because if I am ready for Limgas na Pangasinan, I do believe that I am ready, capable, and with the help of our organization, I know that in the long process, I will become better than today,” aniya.
“I know with the strong dedication that I have I can win Miss Grand International or Miss World,” pahayag ng pharmacy student sa Saint Louis University, na kinoronahan bilang Miss Mangaldan noong nagdaang taon.
Sinabi pa sa Inquirer ni Antolin, kumukuha ng tourism management sa WCC Aeronautical and Technological College, na hindi pa nila alam na may kasunduan pala ang Limgas na Pangasinan sa Miss World Philippines at Miss Grand Philippines nang sumali sila sa panlalawigang patimpalak. Nalaman lang nila ito “when we had our contract signing and briefing,” aniya.
Sa isang panayam sa Inquirer, naghayag ng galak si Guico para sa unang pagtatanghal ng Limgas pageant sa ilalim ng panunugnkulan niya bilang gobernador. “Coming from very restrictive movements we can have this event once again for the province. And we’re doing this with a bang,” aniya.
Sinabi ng gobernadora na nais niyang makoronahan ang m ga reynang “just like my wife, she should be industrious, hardworking, there should also be a genuine heart for the people, for family, for friends, a godly woman. Those are the traits that I would like to see in the next queen of Pangasinan.”
Bahagi ang patimpalak ng isang-buwang pagdiriwang ng “Pista’y Dayat” sa lalawigan, kung saan din kasama ang ika-443 “Agew na Pangasinan.” Itatanghal ang 2023 Limgas na Pangasinan coronation night sa Capitol Plaza sa Lingayen sa Abril 29.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.