Lalaki sugatan matapos makuryente sa Olongapo City

Nakuryenteng lalaki

DALL.E

OLONGAPO CITY — Sugatan ang isang lalaki matapos makuryente habang nagpipinta ng signboard ng isang hotel sa Barangay Barretto sa siyudad na ito dito noong Lunes, ayon sa pulisya.

Aksidenteng nahawakan ni Marlon Cunanan ang isang high tension wire na nagresulta para siya ay makuryente at mahulog sa lupa.

Nakabulagta at hindi gumagalaw ang biktima nang dumating ang mga myembro ng rescue team.

Dinala si Cunanan sa isang lokal na ospital ngunit inilipat din siya sa isang medical facility sa Pampanga kung saan siya ay kasalukuyang ginagamot.

Nagbabala ang mga awtoridad sa publiko na huwag lumapit sa mga live o overhead wires upang maiwasan ang electric shock.

KAUGNAY NA BALITA
Magsasaka todas matapos saksakin ng mister ng umano’y kabit

Read more...