Prediction: Noynoy babagsak sa 4th yr., pag…

ni JOSEPH GREENFIELD, Bandera resident psychic

ANU-ano ang mga posibleng magaganap sa administrasyon ni Noynoy Aquino, na isinilang sa taon ng Daga sa ilalim ng Chinese Astrology? Bagaman magiging maliksi at mabuting presidente si Noynoy, maraming kahinaan ang Daga na magbubunsod upang gumewang ang kanyang administrasyon at kapag hindi nag-ingat ang rehimeng Daga ay tuluyang mabibitag at masasawi sa pinagtataguan niyang lungga.Sa unang mga taon ng pamamahalan ng Daga,
magiging maayos at okey ang lahat, sa kabila ng kaguluhan. Uunlad ang bansa, magkaroon ng mas matimbang na pananaw ang hustisya, gugulong at patas ang katarungan, bahagyang makalilimot ang mamayan sa kinikimkim na pagdarahop at kagutuman. Magkakaroon ng pansamantalang mga hanapbuhay. Patuloy na sisigla ang ekonomiya, maraming mahahalagang pagbabago at pagsulong ang magaganap sa bawat sangay ng gobyerno.
Maraming mamayan ang matutuwa at magbubunyi sa inaakala nilang bago, at mas magaling na pamamahala ng Daga.

Samantala, kasabay nito, ang inaakalang pag-unlad ng bansa, hindi maiiwasan ang intriga sa loob ng kanyang administrasyon. Subalit ang kaguluhang
ito ay halos hindi na mapapansin ng mga excited na taga-suporta ng Daga at ng mismong karaniwang mamamayan.
Pero, sa pagtagal ng Daga sa Malacanang, sa ikatlo at ikaapat na taon ng panunungkulan, hindi na maikukubli ang kagulumihanang nagaganap sa kanyang administrayon. Lulutang ang likas na mga kahinaan ng Daga na mababanaagan sa kanyang panunungkulan.Ilan sa mga pangunahing kahinaan ng daga ay ang madaling maimpluwensiyahan, madaling matakot, kimi, walang sariling desposiyon, pala-asa at sa harap ng mga panganib at pagsubok, ang Daga ay madaling natatakot at naduduwag.
Sa pinaka-kritikal na sandali ng pamamahala ng Daga, tatlong pangunahing puwersa ang magtutulung-tulong upang bumagsak ang kanyang administrasyon. Palihim na kikilos ang mahiwagang kamay ng tatlong puwersang ito: ang Unang puwersa ay ang masa. Ang karaniwang mamamayan ay hindi masisiyahan sa umiiral na administrasyon.
Ang Pangalawang puwersa ay ang lihim na puwersa sa loob mismo ng Malacanang na magtatraydor sa kanya dahil sa kasuwapangan sa kapangyarihan.
Ang Ikatlong puwersa ay ang puwersa ng Hukbong Sandatahan na suportado ng CIA, na maghahangad din ng pagbabago. Sa sandaling ang Tatlong Puwersa ay nagtagpo sa pinaka-lowest ebb ng buhay ng isang Daga, ang Daga ay tuluyan nang masusukol sa lungga.Kapag hindi naging matatag ang daga at hindi napaglabanan ang kanyang mga kahinaan (madaling maimpluwensiyahan at maniwala sa mga nagsusulsol sa kanya, walang sariling paninidigan at tango lang ng tango, na kunwaring mabait pero may pagkatanga), at hindi siya naging listo sa mga taong nakapaligid sa kanya, darating ang saktong panahong sisiluin ang Daga ng kapalaran, babagsak ang kasalukuyan administrasyon, tulad ng mga dati ng pangyayari, sapagkat iyon ang sa kanya ay nakatadhana – ganap na iiwan ng Daga ang kanyang lungga, upang ibigay ang kapangyarihan sa higit na mas matapang, mas matalino at mas maliksi sa kanya – ang animal sign na Kabayo.

Bandera, Philippine News, 070110

Read more...