PATAY ang isang hepe sa Bulacan matapos maka-engkwentro sa isang police operations ang mga suspek ng pagnanakaw nitong March 25.
Kinilala ang pulis na si PLt. Col. Marlon Serna, ang police chief ng bayan ng San Miguel na nasawi matapos magtamo ng mga tama ng bala sa ulo.
Ayon sa initial police report, bandang 9:30 p.m. nang maganap ang robbery hold-up sa isang tindahan sa Barangay San Juan.
Dahil sa insidente, rumesponde ng bandang 10 p.m. ang mga pulis kasama si Serna at dito nagsimulang nakipaghabulan at nakipagbarilan ang mga suspek na sakay ng motorsiklo na umabot pa sa bayan ng San Ildefonso.
Nabaril ang kasamang 17-year-old ni Serna na nagtamo lamang ng mga sugat, pati ang isang biktima na nabaril naman sa kaliwang bahagi ng katawan.
Tinamaan sa ulo si Serna na kaagad namang isinugod sa ospital upang gamutin, ngunit ito ay binawian din ng buhay.
Nakatakas ang mga suspek, pero ito ay pinaghahanap na ng mga awtoridad.
Nasa P1.2 million na ang alok na pabuya para sa makakapagturo o makakapagbigay ng impormasyon sa mga suspek.
Ang reward ay nanggaling sa Central Luzon police, Department of Interior and Local Government (DILG), Chief of Philippine National Police Gen. Edgardo Azurin, at Bulacan Gov. Daniel Fernando.
Read more: