True ba, Zeinab Harake hindi na ni-renew ang kontrata para sa isang endorsement, anyare?

True ba, Zeinab Harake hindi na ni-renew ang kontrata para sa isang endorsement, anyare?

Anna Magkawas at Zeinab Harake

USAP-USAPAN ngayon ng mga netizens sa social media ang tungkol sa umano’y issue sa pagitan ng sikat na content creator na si Zeinab Harake at  ng businesswoman na si Anna Magkawas.

Ang tanong ng ilang supporters ni Zeinab, totoo nga bang may alitan sa pagitan ng Pinay top vlogger at ng kilalang negosyante na si Anna Magkawas.

May mga kumakalat kasing chika na mukhang hindi na raw ire-renew ang kontrata ni Zeinab bilang endorser ng Luxe Slim na pagmamay-ari ni Anna.

Noong nakaraang taon lang nag-umpisa ang relasyon ng dalawa bilang magkaibigan at magkatrabaho. Matatandaang nag-post pa si Anna ng vlog kung saan mapapanood ang una nilang pagkikita ni Zeinab.

Kung totoo man ang balitang ito, siguradong malaking kawalan sa bawat isa ang paghihiwalay nila ng landas.


Siyempre, kawalan si Zeinab para sa kumpanya ni Anna dahil sobrang dami nitong followers sa social media, lalong-lalo na sa YouTube.

Baka Bet Mo: Joseph Marco ginulat ang madlang pipol sa pa-‘bakat’, Rosanna Roces shookt: Nagkakasala ako nito!

At kawalan din naman kay Zeinab ang kanyang endorsement dahil isa ito sa pinakaumusbong ngayong local brands, na nagsimula nga nitong kasagsagan ng pandemya.

Ang Luxe naman, sa pangunguna ni Anna, ay nagsimula lang sa pagbebenta ng pre-loved designer items hanggang sa ito ay magkaroon na rin ng sariling beauty and wellness center na ini-launch pagpasok lang ng taon na ito.

Nitong Sabado, March 25, ay naglabas ng billboard ang nasabing brand, featuring Alexa Ilacad. Kaya ang tanong nga ng mga netizens, pinalitan na nga ba ni Alexa si Zeinab?

Bukas ang BANDERA sa panig nina Anna at Zeinab hinggil sa isyung ito. Let’s wait na lang kung ano ang magiging explanation ng dalawang kampo about this.

Nadine Lustre ‘vlogger’ na rin, meron nang sariling YouTube channel

Belle Mariano ibinandera ang taong itinuturing na role model…sino kaya yun?

Read more...