BINANSAGANG good samaritan ang ilang airport staff sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA) matapos maibalik ang nawawalang pera ng isang dayuhang pasahero.
Ayon sa Manila International Airport Authority (MIAA), nasa $1,017 o katumbas ng P55,237.87 ang nahulog na pera ng isang Amerikano.
Kwento ng MIAA, nalaglag ang nasabing pera sa departure area ng NAIA terminal 3 habang kinukumpleto nito ang ilang dokumento bago sumakay sa kanyang flight papuntang Tokyo, Japan sa pamamagitan ng ANA Airlines.
Kaagad naman itong inaksyunan ng airport staff at wala pang isang oras ay kaagad na itong naibalik sa pasahero.
“Naabutan ko ‘yung supervisor ng ANA Airlines, sabi niya may nakahulog daw ng pera… tapos tinawag ko ‘yung naka-assign sa departure, si APO2 Ryan Dela Peña. Binilang ni Sir Dela Peña sa harap ng ANA Airlines Supervisor (Mr. Jon Manoto) at Operations (Ma’am Criselda Macaro) ‘yung pera,” saad sa inilabas na pahayag ng MIAA.
Patuloy pa, “Apat kaming andoon kasama ako at si Sir Dela Peña, bago namin dinala sa APD para mag-request ng CCTV para makita kung sinong nakahulog.”
“Naabutan namin doon si Lt. Galan at si Sir Fadriquela. After 30 mins, pinasa na ‘yung picture nung Amerikano, flight NH280, ANA Airlines,” dagdag sa pahayag.
Dahil sa mabilis na aksyon ay lubos ang papuri ng MIAA sa airport staff na nagtulong-tulong.
The Miaa commended the involved airport employees for their honesty and integrity.
“Their actions not only helped the passenger who had lost his money but also upheld the reputation of NAIA,” lahad sa statement.
“It is heartening to know that there are still people who prioritize doing the right thing, and their actions deserve our respect and recognition,” ani ng ahensya.