Miss Philippines Lumiere International World pageant magsasagawa ng ika-2 audition sa Abril

Miss Philippines Lumiere International World pageant magsasagawa ng ika-2 audition sa Abril

Miss Lumiere International World 2018 first runner-up Donna Marie Jan Balaoro/ARMIN P. ADINA

SIYAM na aplikante ang tagumpay na nakapasa sa unang auditions para sa Miss Philippines Lumiere International World pageant na isinagawa ng Singapore-based organizer na Lumiere International Pageantry. Magkakaroon ng isa pang auditions sa susunod na buwan upang mabuo ang target na bilang mga mga kandidata para sa pambansang patimpalak.

Lumipad pa mula sa “Lion City” si Justina Quek, pinuno ng organisasyon, upang personal na pangasiwaan ang auditions sa Glass Room ng Okada Manila sa Parañaque City noong Marso 18. Sinamahan siya ni 2018 Miss Lumiere International World first runner-up Donna Marie Jan Balaoro mula Pilipinas, na nagbahagi ng kaniyang karanasan sa mga mapalad na aplikante.

Kinilatis din ang mga aplikante ng mga beauty queen mula Singapore na sina 2019 Mrs. Singapore Global Universe Ronalyn Tingcang Tay, 2019 Mrs. Singapore Worldwide first runner-up Mary Ann Carlson, 2020 Mrs. Singapore Asia Pacific Cosmopolitan Andrea Lim York Mun, at 2019 Mrs. Asia Pacific All Nations Marinel Obejas; at 2021 Mrs. World Peace Special Queen Ambassador Shan Shan Lim mula Myanmar.

Dumating din upang tumulong sa pagkilatis sa mga aplikante ang mga Pilipinang reyna ng Lumiere—sina 2019 Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales, 2019 Mrs. Worldwide second runner-up Llena Tan, 2022 Mrs. Worldwide Special Queen Ambassador Sarima Paglas, 2022 Mrs. Worldwide Lumina Golden Goddess Krisanta La Madrid, 2022 Mrs. Asia Pacific Special Queen Ambassador Monaliza Salenga, at 2022 Mrs. Asia Pacific All Nations Louise Suzanne Alba-Lopez.

Kasama ni 2018 Miss Lumiere International World first runner-up Donna Marie Jan Balaoro (ikalima mula kaliwa) ang mga nakapasa sa unang auditions./ARMIN P. ADINA

Sa isang eksklusibong panayam ng Inquirer noong Marso 17 sa Goryeo Restaurant ng Okada Manila, sinabi ni Quek, “we really need candidates with the highest standards. If you are going to represent the Philippines in the future, you really need queens like [Morales] with a high standard. It is one thing, but the personality is also important.”

Wala pang Pilipinang nakasusungkit sa korona bilang Miss Lumiere International World crown. Maliban kay Balaoro, pumangalawa rin ang kababayang si Sammie Anne Legaspi sa patimpalak noong 2017.

Bukas ang 2023 Miss Philippines Lumiere International World pageant sa mga Pilipinang single n amula 20 hanggang 29 taong gulang. May minimum height requirement na 1.6 meters (nasa 5’3”). Abangan ang detalye ng pangalawang auditions sa Abril.

Tatlong reyna ang kokoronahan sa pambansang patimpalak, at kakatawanin nila ang Pilipinas sa Miss Lumiere International World, Miss Tourism Worldwide, at Miss Global Universe pageant, lahat itinatanghal ng Lumiere International Pageantry.

Read more...