KaladKaren mas bet ang ‘dilig’ kaysa korona, nagsalita ukol sa MIQP 2023

KaladKaren mas bet ang 'dilig' kaysa korona, nagsalita ukol sa MIQP 2023

MAY mga netizens na humihirit sa TV host-comedienne na si KaladKaren o Jervi Li sa totoong buhay na sumali sa mga beauty pageants.

Ito ay sa kalagitnaan ng mga isyung kumakalat matapos ang Miss International Queen Philippines 2023 kung saan nagwagi si Lars Pacheco.

Si KaladKaren rin ang nagsilbing host ng naturang beauty pageant na ginanap noong March 11 kasama si Sean Kyle Ortega.

Sa isang artcard na ibinahagi niya sa kanyang Facebook account ay mababasa ang ilang mga positibong komento ng mga netizens.

Marami kasi sa mga ito ang hindi mapigilang purihin ang kagandahan nito dahil talagang fresh na fresh ang awrahan nito.

“Dear… pwede din ikaw maging representative ng Philippines next time! Appointed na lang!! Goodluck to the candidates!” komento ng isang netizen.

Sagot naman ni KaladKaren, “Dear housewife na ang peg ko! Dilig more than korona! Charot!!!”

Baka Bet Mo: Kaladkaren sinagot ang tanong ng netizen na, ‘May p*k* na po ba kayo?’

Hirit pa ng isa, “hahahaha..laban padin mamsh pwedi naman din may josawa dba? whahaha…ganda at Talino nasayo na mamsh.”

Hindi naman ito ang unang pagkakataon na bumanat sa social media si KaladKaren patungkol sa “dilig”.

Sa katunayan ay bentang-benta nga sa mga netizens ang hirit niya sa mga “dilig” na natatanggap niya sa British fiance niyang si Luke Wrightson.

Samantala, nagbigay na rin si KaladKaren ng kanyang statement patungkol sa isyu sa Miss International Queen Philippines 2023 dahil marami raw ang nagtatanong sa kanya dahil isa nga siya sa naging host ng naturang beauty contest.

“Unsolicited advice na lang sa ating mga sisters. I’ve always believe that there should always be dignity and grace in defeat; humility and gratitude in victory.

“And the main purpose of Miss International Queen pageant is to uplift one another, to uplift the transgender community together. Representing the community while pushing for the advocacies that have been promised,” lahad ni KaladKaren.

Dagdag pa niya, “At kung ano man ang nangyari behind closed doors labas na tayo doon. Ang importante ay mairepresenta ang ating bansa nang mabuti at magawa ‘yung mga responsibilidad na naipangako.”

Matatandaang nag-trending ang isang video kung saan makikitang nagkasagutan sina Lars Pacheco at Anne Patricia Lorenzo habang nasa isang zoom meeting kasama ang iba pang kandidata na nangyari matapos ang beauty contest.

Related Chika:
#LoveWins: KaladKaren, British fiancè nag-celebrate ng 10th anniversary

Kaladkaren sinalubong ang Bagong Taon kasama ang fiancè: ‘Walang putukan pero may…kabayo-han!!!’

Read more...