Benedict Mique ibabandera ang iba’t ibang kapalaran ng mga OFW sa Canada; walang balak manirahan sa ibang bansa
By: Reggee Bonoan
- 2 years ago
Benedict Mique, Kira Balinger at LA Santos
KUNG dati-rati’y puro kuwento ng mga Overseas Filipino Workers o OFW sa Amerika ang naririnig at napapanood sa mga pelikula iba naman sa “Maple Leaf Dreams” na istorya at ididirek ni Benedict Mique mula sa panulat ni Hannah Cruz.
Inspired by true events ang kuwentong ito ni direk Bene dahil marami raw siyang kakilalang mga kababayan nating Pinoy ang nakipagsapalaran sa Canada na tumanggap ng blue collar job gayung may mga mataas na posisyong iniwan dito sa Pilipinas. Iyong iba nga raw ay mga kaibigan pa niya.
At dahil dito ay natanong ang direktor kung may plano ba siyang mag-migrate sa Canada, “Sana hindi dumating ‘yung point na aalis ako sa Pilipinas.
“I know some directors, friends na may mga position dito. Pero when they go to Canada, they become regular workers. And it’s hard for them.
“Mahirap ‘yun na you’re on top of the world here but when you get to Canada, nagtatrabaho ka lang bilang janitor, nagbabantay ka lang ng building, waiter. So ako, wala akong balak pero noon pinag-isipan ko rin,” seryosong sabi ng direktor sa ginanap na storycon ng “Maple Leaf Dreams” sa Limbaga 77 nitong Martes.
Marami na rin kaming nakausap na bukod sa gusto ng mas malaking kita para maitulong sa pamilya at dahil magaganda rin ang benefits sa bansa kapag may edad na particularly sa Amerika at Canada.
Ang iba naman ay hindi nila gusto ang pamamalakad ng gobyerno ng bansa at isa rin ito sa katwiran ni direk Benedict kaya napapaisip din siya.
“Kasi minsan naiisip mo parang wala ng pag-asa ang Pilipinas? I know a lot of people feel that way na wala ng nangyayari rito. Then you go to another country.
“Migration is so painful for everyone. I know people na kapag nag-oath-taking sila for citizenship, umiiyak sila because nandito pa rin ang puso nila sa Pilipinas,” paliwanag nito.
Sina Kira Balinger at LA Santos ang napili ni direk Bene na maging bida sa “Maple Leaf Dreams” dahil nakitaan niya ng potential ang dalawa na hindi lang nabibigyan ng chance na magdala ng sariling pelikula.
Nakatrabaho ni direk Benedict sina LA at Kira sa “Darna” series ni Jane de Leon, “It’s a romantic-comedy movie, but more of a serious drama. Canada is the new America. Mostly, America ang target ng tao for a better life pero now it’s Canada.
“In the movie, they have good jobs in the Philippines but because of surmounting expenses, they realized that they won’t have a good future here,” kuwento pa ng direktor tungkol sa pelikula.
Naikuwento rin ng direktor na gusto niyang makatrabaho ang mga baguhang artista, ‘yung tipong siya ang makakapagbigay ng kakaibang flavor na hindi na lang laging mga sikat o kaya bukambibig na mga artista.
Aniya, “If you look at my resume sa films, nage-enjoy ako sa mga bago. It’s challenging and at the same time you discover.”
At perfect example niya sina, “Keith Thompson and Kim Molina in ‘Momol Nights’ na-excite ako roon kasi it was their first film together, and they were good.
“There were lots of adjustments for the three of us. Same with Tony Labrusca sa ‘ML’ Ang sarap makatrabaho ng mga bago para kasing clean slate. Ikaw yung magmo-mould sa kanila and you get good results,” dagdag niya.
Ang mga nabanggit na pelikula ay naging bukambibig sa panahong ipinalabas ito tulad ng “Momol Nights” na talagang pinalakpakan ng husto sina Kit at Kim at di nagtagal ay kaliwa’t kanan na ang naging proyekto nila.
Same thing with Tony na pagkatapos ng ipinakita niyang galing sa “ML” kasama ang namayapang Eddie Garcia ay dumami na rin ang offers sa kanya.
Samantala, mauunang pumunta ng Canada si direk Benedict para dalawin din ang kanyang mag-inang matagal nang naroon and the same time ay mag-o-ocular na rin siya para sa shoot nila nila sa June.
Sana ay makisama raw ang panahon dahil sa Toronto ay unpredictable ang weather, minsan super lamig, lulubog lilitaw ang araw at higit sa lahat may snow.
Ang “Maple Leaf Dearms” ay produced ng Lonewolf Films in cooperation with JRB Creative Production and Star Magic.