NAGING mabunga ang pagsasagawa ng Singapore-based na Lumiere International Pageantry ng pagsasala sa mga aplikante para sa Mrs. Philippines Asia Pacific pageant, nakakuha ng 24 kandidata na magpapatuloy sa patimpalak.
Lumipad pa mula sa “Lion City” ang pageant organizer na si Justina Quek upang pangasiwaan ang screening na ginawa sa Glass Room ng Okada Manila sa Parañaque City noong Marso 18, kasama ang apat niyang reyna mula Singapore, sina 2019 Mrs. Singapore Global Universe Ronalyn Tingcang Tay, 2019 Mrs. Singapore Worldwide first runner-up Mary Ann Carlson, 2020 Mrs. Singapore Asia Pacific Cosmopolitan Andrea Lim York Mun, at 2021 Mrs. World Peace Special Queen Ambassador Shan Shan Lim, at si 2019 Mrs. Asia Pacific All Nations Marinel Obejas mula Myanmar.
Sinalubong sila sa bansa ng mga Pilipinang reyna ng Lumiere, sina 2019 Mrs. Asia Pacific Global Avon Morales, 2019 Mrs. Worldwide second runner-up Llena Tan, 2022 Mrs. Worldwide Special Queen Ambassador Sarima Paglas, 2022 Mrs. Worldwide Lumina Golden Goddess Krisanta La Madrid, 2022 Mrs. Asia Pacific Special Queen Ambassador Monaliza Salenga, at 2022 Mrs. Asia Pacific All Nations Louise Suzanne Alba-Lopez, na lahat din ay tumulong sa screening ng mga aplikante.
Sa isang eksklusibong panayam ng Inquirer na isinagawa noong Marso 17 sa Goryeo Restaurant ng Okada Manila, tinalakay ni Quek ang mga inaasahan niya, at sinabing “the most important is the educational background.”
Ipinaliwanag ng Singaporean organizer: “We really need candidates with the highest standards. If you are going to represent the Philippines in the future, you really need queens like [Morales] with a high standard. It is one thing but the personality is also important.”
Narito ang mga napiling kandidata para sa 2022 Mrs. Philippines Asia Pacific pageant:
- Jocelyn Alcada
- Cristal Sarmiento Delac
- Michelle Toledo
- Juvenisa Cutor Fajardo
- Roxan Deris
- Jenelyn Panganiban
- Antonette Paler
- Maria Elma Grace Corona
- Nerrissa Ramirez
- Cheramie Joyce Reyes
- Christine Garcia Esguerra
- Rose Angela Montes
- Jasper Himacas
- Dean Syrryl Baltazar
- Christine Mae Deloso Skinner
- Maria Christina Pilones
- Lorna Bausas Teano
- Gigi Moriones
- Annunsacion Salazar
- Geraldine Dela Cerna
- Mary Grace Pilapil
- Jovy Zhdankin
- Ma Lorna B. Toriado
- Lloeve M. Tibayan
Kinumpirma ni Quek sa Inquirer na walang siningil na entry fee sa lahat ng mga aplikante. Hindi naman siya nagbigay pa ng karagdagang detalye kaugnay ng final competition, ngunit sinabi sa Inquirer na “chances are high it will be in Okada” sa darating na Hunyo.
Limang titulo ang igagawad sa national pageant—ang Mrs. Philippines Asia Pacific Global, Mrs. Philippines Asia Pacific All Nations, Mrs. Philippines Asia Pacific Cosmopolitan, Mrs. Philippines Asia Pacific Intercontinental, at Mrs. Philippines Asia Pacific Tourism.
Sasagutin ng Lumiere International Pageantry ang license fees ng lahat ng makokoronahang national winners para sa paglahok nila sa Mrs. Asia Pacific pageant sa Singapore sa isang taon, ani Quek.