Banat kay Julia ng mga kampi kay Dennis: ‘Kababata n’yo pa lang ganito na ang ginagawa n’yo sa magulang n’yo’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Julia Barretto at Dennis Padilla
BILANG isang ina, ramdam ng veteran entertainment columnist at radio-TV host na si Cristy Fermin ang pangungulila ni Dennis Padilla sa kanyang mga anak.
Hanggang ngayon kasi ay hindi pa rin kinakausap ni Julia Barretto at ng iba pa niyang mga kapatid ang kanilang amang si Dennis sa kabila ng pagsusumamo at pagmamakaawa nito.
Kamakailan ay muling nagparamdam ang veteran comedian kay Julia at binati ang dalaga sa pagdiriwang nito ng kanyang 26th birthday last March 10. Ngunit bigo uli ang aktor na makuha ang atensyon ng anak.
Marami ang naawa sa komedyante dahil mukhang bato na raw ang puso ng magkakapatid na Barretto kaya ayaw na siyang kausapin ng mga ito kahit sa pamamagitan lamang ng social media.
Sa nakaraang episode ng “Showbiz Now Na” ay napag-usapan nga nina Nanay Cristy Fermin kasama sina Romel Chika at Wendell Alvarez ang tungkol sa patuloy na pangdededma nina Julia sa kanilang tatay.
“Natural po, yung mga kampi kay Dennis, lalo na ‘yung mga kaibigan niyang artista rin, masama ang loob doon sa mga bata.
“Kasi ito na ‘yung ama ninyo nagpapakumbaba na, talagang siya na ang nagri-reach out, siya na ang lumalapit sa inyo, pero eto kayo, kababata n’yo pa lang ganito na ang ginagawa n’yo sa magulang n’yo,” ang pagbabahagi ni Nanay Cristy.
Aniya pa, “Pero ‘yung mga kampi naman sa magkakapatid, ‘Nasaan ka kasi noon nu’ng kailangang-kailangan ka ng mga anak mo? Wala ka naman.”
Sabi naman ni Romel Chika, “At saka, Nay, wala talaga tayong alam kung ano talaga ang puno’t dulo nito at gaano kalalim ang sugat na dulot nito.”
“Marami kasing katanungan tungkol sa kanila e,” ang punto naman ni Wendell.
Ayon pa kay Nanay Cristy, sigurado siyang ibang klaseng sakit ang napi-feel ngayon ni Dennis dahil hindi na naman pinansin ni Julia ang kanyang birthday greeting.
“Napakasakit para sa isang ama na tulad ni Dennis Padilla at sa kanyang paryentes, sa kanyang kampo ‘yung hindi man lang pinapansin ng mga anak ang kanyang pagbati,” sey ng beteranang kolumnista.
“Pero sa isang banda, tama ka rin,” baling ni Nanay Cristy kay Romel. “Na sana itigil muna niya.”
“Baka sakaling ma-miss ng mga anak niya. At maisip nila, ‘Nasaktan na nang husto si Papa. Baka panahon na para sagutin na natin ang kanyang mga pagbati,” ang sabi pa ni Nanay Cristy.