PASARING nga ba para sa “It’s Showtime” host na si Vhong Navarro ang cryptic post ng British-Filipino model na si Kat Alano?
Matapos kasi ang paglabas ng desisyon ng Supreme Court na pagbasura sa mga kasong acts of lasciviousness at rape laban kay Vhong ay may patutsada ito sa Twitter.
“So you gotta have frieeeends… Friends in all the right places, even when you’re wrong,” saad ni Kat.
Matatandaang noong June 2020 rin ay nagsalita ang model-actress hinggil sa diumano’y panggagahasa ng “still famous celebrity” na ang pangalan ay “rhymes with wrong”.
Sinabi pa ni Kat noon na sa kabila ng kanyang simpleng kasuotan na t-shirt at jeans ay nangyari pa rin ang insident.
Dagdag pa niya, gumawa raw ng “smear campaigns” ang naturang celebrity na nang-rape sa kanya upang sirain ang kanyang karera.
Ngunit nitong Setyembre 2022 ay sinabi niyang nakamit na niya ang matagal nang hinahangad na hustisya kasabay ng pagkakakulong ni Vhong.
“I can finally feel peace today. God is good all the time. Justice, finally after 17 years,” lahad ni Kat.
Dagdag pa niya sa hiwalay na tweet, “After 17 years…Finally a glimpse of justice. People still thinking it’s all about money and attention. What if you were fed lies by the people who had power, and you ACTUALLY condemned the victim? Think about what you did to her if that was the truth.”
Baka Bet Mo: Kat Alano dismayado sa pansamantalang paglaya ni Vhong Navarro: I feel broken and defeated
Ngunit nitong Disyembre ay nakaramdam ng pagka-“broken and defeated” matapos mabalitang pinayagan ang petisyon ni Vhong na magpiyansa ng P1-million sa kasong rape na isinampa ni Deniece Cornejo at pansamantalang makalaya.
So you gotta have frieeeends…
Friends in all the right places, even when you’re wrong.
— Breaking free (@katalano) March 13, 2023
Samantala, labis naman ang pasasalamat ni Vhong matapos ilabas ang desisyon ng korte sa mga kasong isinampa laban sa kanya.
“May mga panahon na akala ko nawalan ako ng pag-asa, nawalan ako ng hope nung nasa loob ako, pero hindi ako tumigil sa pagdadasal. Kaya ito na po, dininig na ng Supreme Court ‘yung dasal natin, at nagkakaroon na po ng maganda ang ginawa nilang pagresolba doon sa kaso ko… Ngayon po, dahil sa Supreme Court, naniniwala po ulit ako na may justice system sa Pilipinas,” saad ni Vhong.
Related Chika:
Kat Alano kinastigo ng bashers, hinamong magsampa ng kaso laban sa nanggahasa sa kanya: ‘Huwag puro dada!’
Kat Alano may ‘hugot’ sa socmed: People will cancel you for cake but celebrate you for rape