Pia Wurtzbach super flex ng matambok na pwet sa socmed, hirit ng netizen: ‘Napakabooty n’yo pong tao…’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Jeremy Jauncey at Pia Wurtzbach
PINAGPIYESTAHAN ng mga netizens, lalo na ng mga kalalakihan, ang matambok na pwet ni Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach.
Muli kasing ibinuyangyang ng TV host-actress ang kanyang seksing katawan sa social media kung saan buong-ningning niyang ipinakita ang dalawang pisngi ng kanyang butt.
Kuha ang mga litrato sa kanyang latest pictorial kasama ang fiancé niyang si Jeremy Jauncey sa isang napakagandang beach resort.
May tatlong pictures na ipinost si Pia sa Instagram nitong nagdaang araw kabilang na nga ang isang photo kung saan “confidently beautiful with a heart” nga niyang ibinilad ang super tambok at super kinis niyang puwet.
Bumaha naman ng fire emojis sa comments section ng IG post ng Kapamilya actress at beauty queen. At in fairness, hindi lang mga socmed followers niya ang napa-react sa kanyang “pwet photo” kundi maging kapwa niya celebrities.
“Grabe poe (fire emojis),” ang reaksyon ng aktres na si Lovi Poe.
“AY GRABE NAMAN SIYA!” sabi naman ni Angelique Manto.
“Napakabooty niyo pong tao,” komento ng isa pa niyang IG follower.
“Bakit ganun, hindi nauubos ang kaseksihan si Pia?!”
“Grabehan na to!”
“My fave couple so lucky in love and in life!”
“Pia ‘Mapanglamang’ Wurtzbach.”
“Di naman ako lalaban Queen P!”
“JUSKO PIAAAA!”
“My phone is melting YOU’RE so hot!”
At siyempre hindi rin nagpahuli ang kanyang future husband na si Jeremy na nag-iwan naman ng apat na in love emojis sa viral na ngayong beach photo ni Pia.
Patuloy ang ginagawang paghahanda nina Pia at Jeremy para sa kanilang wedding na inaasahang mangyayari this year o sa first quarter ng 2024.
Sa katunayan, hindi na itinuloy ni Pia ang pagsali sa isang marathon para makapag-concentrate sa kanilang wedding preparation.