May asawa at mga tatay pwede nang sumali sa Mister International PH pageant

May asawa at mga tatay pwede nang sumali sa Mister International PH pageant

Kasama ni Mister International Philippines Myron Jude Ordillano (pangatlo mula kanan) ang kapwa national titleholders na sina (mula kaliwa) Andre Cue, John Ernest Tanting, Kitt Cortez, Mark Avendaño, at Michael Ver Comaling./ARMIN P. ADINA

MAKARAANG buksan ng Miss Universe pageant at mga katuwang na patimpalak sa Pilipinas at ibang bansa ang pintuan nila para sa mga may asawa at may anak na, isang paligsahang panlalaki dito sa bansa ang sumunod at tinanggal na rin ang pagbabawal kaugnay ng civil status at pagiging magulang para sa mga aplikante.

Sa isang social media post ngayong Marso 10, sinabi ng Mister International Philippines pageant na magsasagawa ito ng on-site screening ng mga aplikante sa Metro Manila, at walang nakasaad na dapat single o walang anak sa mga kwalipikasyon, na nakatala bilang “male, Filipino citizen, at least 5’9” in height, 18-32 years old, and of good moral character.”

Isasagawa ang screening sa Marso 30, mula ala-una hanggang alas-5 ng hapon, sa Roly Halagao Training Productions and Casting Studio sa 108 Panay Ave., Quezon City. Matatagpuan ito sa likod ng National Bookstore branch sa Quezon Ave. Para sa karagdagang detalye, maaring tumawag sa +63-949-4473297 ang mga nagnanais sumali.

Hindi sinabi ng organisasyon kung ilang titulo ang igagawad sa patimpalak ngayong taon. Ngunit nauna nang sinabi ng abogadong si Manuel Deldio, pinuno ng organisasyon, na itatanghal sa Hunyo ang ikalawang edisyon ng patimpalak niya.

Noong isang taon, ginawaran din ng mga titulo ang mga runner-up ilang linggo makaraang masungkit ni Myron Jude Ordillano ang pangunahing premyo bilang Mister International Philippines sa pagtatapos ng patimpalak.

Baka Bet Mo: Mister International PH winners nagbago ang buhay nang matutong mag-alaga ng skin

Tinanggap ni first runner-up Mark Avendaño ang titulong Mister Global Philippines, habang itinanghal naman si second runner up Michael Ver Comaling bilang Mister National Universe Philippines. Nakuha ni third runner-up Kitt Cortez ang titulo bilang Mister Tourism International Philippines.

Naunang itinalaga si fourth runner-up Andre Cue bilang Mister Teen International Philippines, ngunit kalaunan tinanggap niya ang titulong Caballero Universal Filipinas.

Isa pang titulo ang iginawad ng organisasyon, ang Mister Beauté Internationale na napunta sa finalist na si John Ernest Tanting.

Related Chika:
Miss FIT PH pageant pupunta sa Baguio; final screening sa Nob. 27 na

Dagdag-korona, bawas-kandidata sa 2021 Miss Queen of Hearts PH pageant

Read more...