Avril Lavigne, Tyga magdyowa, ‘spotted’ na naghahalikan sa Paris

Avril Lavigne, Tyga magdyowa, ‘spotted’ na naghahalikan sa Paris

PHOTO: Instagram/@tyga

TOTOO pala ang chismis na mag-dyowa ang international singer na si Avril Lavigne at ang American rapper na si Tyga.

Nakumpirma ‘yan matapos mahuling naghahalikan ang dalawa sa dinaluhang event ng Paris Fashion Week nitong March 6, ayon sa American news tabloid na TMZ.

Hindi lang ‘yan, madalas din silang mag-PDA o “public display of affection” na magkahawak ng kamay at nagyayakapan sa kasagsagan ng event.

Noong nakaraang buwan lamang ay kinumpirma ni Avril na hiwalay na siya sa American singer-songwriter na si Mod Sun matapos ang isang taong engaged.

Samantala sa Instagram, ibinandera ni Tyga ang ilang pictures nila ni Avril sa nasabing event sa paris.

Makikita na tila “twinning” pa ang dalawa sa kanilang suot na mahabang jacket na itim.

Baka Bet Mo: Leonardo DiCaprio may dine-date na 19-year-old model, true ba?

Maraming netizens naman ang nagulat at hindi makapaniwala sa relasyon nina Avril at Tyga.

Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:

“Tyga dating Avril Lavigne is the most random thing I have seen so far this year,” comment ng isang netizen.

Saad ng isa pang IG user, “Avril Lavigne and Tyga are the unexpected celebrity couple I never saw coming.”

Sey ng isa pa, “I’m sorry but just randomly found out that Avril Lavigne and Tyga are dating. That is so unbelievably random.”

Related Chika:

Hugot ni Lovi Poe: Ang grab delivery ngayon parang chismis…

Read more...