Jenna Ortega naging ‘iyakin’ sa bagong horror film na ‘Scream VI’

Jenna Ortega naging ‘iyakin’ sa bagong horror film na ‘Scream VI’

PHOTO: Courtesy Paramount Pictures International

KUNG sumikat sa karakter bilang Wednesday Addams ang American teen sensation na si Jenna Ortega, mukhang malayong-malayo naman sa bago niyang horror film ang kanyang ginagampanan.

Bida kasi ngayon ang aktres sa horror film na “Scream VI” na ipinapalabas na sa mga lokal na sinehan.

At ayon mismo kay Jenna, kakaiba ang kanyang karakter niya rito dahil siya ay naging iyakin at sensitibo.

Ang gagampanan ng aktres sa nasabing horror film ay bilang si “Tara Carpenter,” ang half-sister ni Sam na kabilang sa mga survivor.

“It’s been really fun exploring her more in this film because I feel like I’m pulling out different traits,” sey ng aktres.

Dagdag niya, “I love that she’s more in touch with her feminine side and is a bit more sensitive. It’s very easy to make her cry and get under her skin.”

Baka Bet Mo: Michael B. Jordan ‘kinarir’ ang pagiging direktor sa ‘Creed III’, bumida rin sa ginawang boxing film

Aniya, “It’s also easy for her to grow unbelievably frustrated. Her older sister, Sam, is this stoic, strong, badass girl, which is also wonderful because we get to play off of each other.”

Ang official trailer ng “Scream VI” ay puno ng mga nakakagulat na eksena na kung saan ay mapapanood ang mas agresibong pag-atake ng kontrabida na si “Ghostface” sa mga target na suspek.

Ilan sa mga makakasama ni Jenna sa horror film ay sina Melissa Barrera, Jasmin Savoy Brown, Mason Gooding, Hayden Panettiere, Courteney Cox at marami pang iba.

Para sa kaalaman ng marami, ang “Scream” franchise ay mayroon ng limang pelikula, isang television series at laro.

Ang unang pelikula ay inilabas noong 1996 at ito ang naging highest-grossing horror film sa buong mundo hanggang sa natalo ng pelikulang “Halloween” noong 2018.

Ang ikalawang entry naman ng Scream ay inilabas noong 1997, ang ikaapat ay noong 2000 at ang huli ay noong nakaraang taon lamang.

Related chika:

Kim Chiu ‘diamonds’ ang panlaban sa mga ligaw na elemento; shooting ng ‘Huwag Kang Lalabas’ minulto

Read more...