Xian shookt nang ialok sa kanya ang figure skating series na ‘Hearts on Ice: ‘Sure po ba kayo na sa akin n’yo ito ibibigay?’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Xian Lim at Ashley Ortega
GUSTO ng isang matinding challenge ni Xian Lim sa kanyang pagiging aktor kaya tinanggap niya ang figure skating series ng GMA na “Hearts On Ice.”
Sa nasabing serye, ang magiging sentro ng kuwento ay ang pagiging figure skaters nila ng Kapuso actress na si Ashley Ortega kaya kinailangan talaga niya itong matutunan nang bonggang-bongga.
“It’s such an honor to be part of the cast dito sa Hearts On Ice. I guessed what the challenges came with the role, it’s really learning how to skate.
“Dahil noong sinabi sa akin nila ito, ‘Paano nga ba?’ Unang tanong ko, sabi ko, ‘Tama po ba ‘yung pinasok ko? Sure po ba kayo sa akin n’yo gustong ibigay,” pagbabahagi ni Xian sa presscon ng “Hearts on Ice” last Friday.
Aniya pa, “I wanted the challenge. I wanted something to prove myself. Ilalaan ko po talaga ‘yung oras at hardwork para po rito sa pagkakataon na ibinigay nila sa akin.”
At bilang paghahanda sa kanyang karakter, ilang buwan ding nag-training ang aktor sa ice rink, kung saan nakakasama rin niya si Ashley.
“At first, they gave me a couple of sessions sa skating rink. After po nu’n sabi ko since pinasok ko na rin lang I need to enroll to be able to keep up with the skills, of course, nina Ashley and all the skaters that will be part of this series kasi buong buhay talaga nila itong ginagawa, it’s their sport.
“Nakakahiya naman kung papasok ako rito nang wala akong alam sa mundo nila. As much as possible, araw-araw makikita nila ako roon (sa ice rink). But it’s really fun, it’s very inspiring as well and uplifting, and ‘yung skating community napakabait po nila,” dugtong pa ni Xian.
Samantala, gusto rin ng Kapuso actor na makapagdirek ng isang teleserye sa GMA 7, “Piniprisinta ko talaga yung sarili ko kasi wala naman hong gagawa nu’n kundi ako.
“I think, yun pong isa sa mga natutunan ko na, wala namang ibang magbubuhat ng bangko kundi ang sarili mo.
“I really do tell them that I say my intention na gusto niyo po want to try me as a director, then I would gladly, with all my heart do it,” sey pa ni Xian.
Tutukan ang world premiere ng Philippines’ first-ever figure skating drama series na “Hearts On Ice” ngayong March 13, 8:50 p.m. sa GMA Telebabad.