AMINADO si Nadine Lustre na isa sa mga biggest frustration niya sa buhay ay ang pagtigil niya noon sa pag-aaral dahil napasabak agad siya sa pagtatrabaho.
Pero wala naman daw siyang pagsisisi sa mga naging desisyon niya sa buhay dahil napakarami ring magagandang nangyari sa kanyang personal life at showbiz career.
Sa kanyang first-ever vlog sa kanyang YouTube channel, nabanggit nga ni Nadine ang mga pagsubok na kanyang nalagpasan nitong mga nagdaang taon.
“Looking back though, I’m really grateful for all the ups and downs and all of the people I have come across. I understand that all of this had to happen for me to become this person,” ani Nadine.
Kasunod nito, inamin nga niya na nakaramdam siya noon ng frustration dahil hindi niya natapos ang kanyang pag-aaral dahil napasabak sa showbiz.
“I knew I love performing even when I was a little girl. And it is something that I always wanted to do. But where I am at now, it’s not something that I expected,” pagbabahagi ng award-winning sa kanyang vlog.
Baka bet mo: Nadine Lustre ‘vlogger’ na rin, meron nang sariling YouTube channel
Dagdag pa niya, “I guess my parents saw a lot of potential in me so they encouraged me to go out there and kind of show myself. I was really a bibo kid.”
At yan ang dahilan kaya hindi na niya nabigyan ng panahon ang pag-aaral. Kung minsan ay naiisip din niya kung ano’ng feeling na maging isang normal high school student.
“I was so frustrated when I was a teenager ’cause I didn’t go to high school so I didn’t get to experience that life,” ani Nadine.
“But eventually, I got over it ’cause I realized that what I’m doing is pretty amazing. So I just kept going and found myself in the middle of all of this. It’s tough but I know that this is my dream so I had to go through it,” sabi pa ni Nadine.
Pagpapatuloy pa niya, “I’m still figuring a lot of things out but I am liking where I’m at now and I’m happy with what I have. I can’t wait for the rest of my life to unfold.
“I don’t know here this road is going to take me but one thing’s for sure, the girl on your screen right now is loving every minute of this,” pahayag pa ng dalaga.
Samantala, sa nakaraang episode ng “Cristy Ferminute”, nagbahagi si Nanay Cristy Fermin ng kanyang saloobin tungkol sa frustration ni Nadine sa pagtigil niya sa pag-aaral.
Aniya, nalungkot siya nang malamang hindi man lang nakapag-high school si Nadine Lustre. Sey ni Nanay Cristy, “Nalulungkot lang ako dahil hindi siya nakapagtapos ng high school.
“Pero sa kabila noon, hindi niya sinisi ang kanyang mga magulang, dahil bumalanse iyon sa pagmamahal niya sa kanyang trabaho.
“Nandoon yung pasasalamat sa kanyang mga magulang, kaibigan, kapamilya at sa lahat po ng mga tao na naging materyal sa pagtupad ng kanyang mga pangarap. Nakakahanga siya,” pahayag ng veteran TV, radio at online host.
“Si Nadine pinapalakpakan talaga, puring-puri talaga siya. Pero alam mo, du’n sa pagkukumpara, pagdating sa talento, lamang na lamang, ang laki ng bentahe ni Nadine talaga.
“Dahil yung talento, yung ganda, yung pagmamahal sa trabaho, iniwan ng milya-milya si Liza Soberano,” ang diretsahan pang pahayag ni Nanay Cristy.
Related Chika:
Awra Briguela pak na pak ang bikini photo sa beach, hirit ng netizens: ‘Nadine Lustre ikaw ba ‘yarn?’
Nadine Lustre tutol sa ipapagawang tulay sa Siargao: Secret Beach should be preserved!