NAAALARMA na ngayon ang K-pop fans dahil sa latest episode ng “Kapuso Mo, Jessica Soho” (KMJS) na ipinalabas nitong Linggo, March 5.
Dumami kasi ang insidente ng nakawan matapos nilang ipalabas ang merch collection ng isang dalagita na umabot sa halagang P2 million.
Ang dalagitang ipinakilala bilang Bea ay isang K-pop fan na mayroong mahigit 3,000 pcs na photocards, at may tatlong limited edition pang nagkakahalagang P50,000.
Matapos ang isang araw mula nang ito’y naipalabas ay agad nag-trending ang “KMJS” kasabay ng salitang “nakakatakot” dahil sa mga naging experience ng mga netizens.
May isang K-pop fan na ibinahagi sa social media ang naging karanasan matapos siyang nakawan ng photocard na nakasabit sa kanyang bag habang nakasakay sa bus.
“A middle aged man (probably around 40-50s) stole my jimin dicon photocard. literal na hinablot nya sa bag ko habang nagpophone ako sa bus. nasa unang seat ako ng bus, pababa sya, pagka open ng pinto bigla nya hinablot yung pc ko tapos bumaba. nagulat rin ako kaya hindi ako naka react agad. idk if this has something to do with yesterday’s kmjs episode, pero just a reminder lang to those who plan na magnakaw, hindi lahat ng photocards ay worth 50k.
“but this pc is very precious to me, malakas ang sparks nito sakin and it gives me joy kaya palagi ko tong dala. literally crying right now because this is my favorite pc and i bought this with my hard-earned money,” lahad ng K-pop fan.
May iba pang nakaranas ng parehong senaryo kung saan hinablot na lang bigla ang kanilang nakasabit na photocard sa bag.
Agad nanawagan ang mga K-pop fans sa programang “KMJS” at sa team nito na sana’y magkaroon ng mas malalim na research sa mga ipinapalabas nito dahil maaaring magkaroon ng negatibong epekto lalo na’t marami itong manonood.
Narito ang ilang mga tweets ng mga netizens:
“Shout out to @KM_Jessica_Soho’s research team. You made us look bad on national tv and also risked our safety. Imagine you only want to bring your pcs because you feel like you’re with your idol, but getting robbed because people thought all photocards are worth 50,000?!”
“Hello@KM_Jessica_Soho! I just want to say that can you please enlighten the public that not all photocards have the 50k price range. Some kpop fans had their traumatic experience with other people who snatched their photocards. We kpop fans are now being targeted by these bad.”
“Research more about it, instead of featuring ng walang tamang info. I hope your team asked the fans first. Not all photocards have a 50k value.”
3 incidents na. This is so alarming already. Guys pls doble ingat tayo. Please. Mareng Jessica, anong ginawa nyo. ☹️
Credit to the rightful owner. Hoping na safe kayo. pic.twitter.com/XQpOHrfB84
— THS-𝐓𝐡𝐞 𝐇𝐚𝐩𝐩𝐲 𝐒𝐭𝐨𝐫𝐞 ROVER (@ubos_yaman) March 6, 2023
Hirit pa ng ibang K-pop fans, dapat raw ay maging responsable ang bumubuo ng “KMJS” dahil sa nagiging impact ng mga content nito sa manonood.
“Nanahimik kami. Dati naman nang naglalagay ng photocard na nakasabit sa bags wala namang pakialam mga tao pero dahil sa episode na ‘yan akala ng mga tao na lahat ng photocards ay worth ₱50k hahahaha. Pati safety ng fans na-compromise,” saad ng isang Twitter user.
Wala pa namang tugon o pahayag ang programang “KMJS” o ang mismong host nitong si Jessica Soho ukol sa isyung ito.
Related Chika:
GMA Network umalma sa ‘biased’ remark ng kampo ni Marcos laban kay Jessica Soho
Blackpink gumawa ng kasaysayan, unang K-Pop artist na maghe-headline sa Coachella