RHIAN: Never kong binastos si MARIAN, OK kami!


Hindi si Rhian Ramos ang nagpakalat ng tsismis kay Marian Rivera. Back after a long while being a leading lady si Rhian sa magsisimula nang bagong TeleBabad ng GMA na Genesis piloting this Monday in between Akin Pa Rin Ang Bukas and My Husband’s Lover.

She plays Dingdong Dantes’ partner in this one directed by Bb. Joyce Bernal and Mark Reyes pero naging wife ni TJ Trinidad.
Her last project, wala siyang partner because she’s a goddess sa Indio so she’s happy may romantic interest muli siya, ang ka-partner niya noon sa Stairway to Heaven as Genesis is their second team-up.

The first time they were paired, iba pa rin ang partners nila in real life so matagal-tagal na rin ito. Nagkaroon ng issue si Rhian with Dingdong’s current girlfriend Marian after their first team up and the issue continues to this day.

Recently, may naisulat na bumisita raw sa set ng Genesis si Marian at lahat, kinausap nito except her. Tapos, nang kumain na ang cast and crew ng pagkaing pasalubong ni Marian, hindi naman daw siya kumain.

Both tsismis, si Rhian daw ang nagkalat pero tumawa na lang ang actress.Una, nagbeso ang dalawa nang magkita sila sa set so no way na inisnab siya ni Marian.

As to the food, hindi siya makakain noon dahil she’s on a strict diet then but she would have love to taste sana. Walang mangyayaring bastusan sa dalawa dahil feeling ni Rhian, Genesis is her set and therefore her home at never daw siyang mambabastos ng bisita na papasok sa bahay niya so to speak at sa pagkakaalam nga ni Rhian, over na ang issue sa kanila ni Marian kaya nagulat siyang meron na naman. At least we’re writing both sides.

( Photo credit to Google )

Read more...