Nainggit ba kina DEREK at CRISTINE: LUIS, JENNYLYN naghiwalay na rin?


SINA Luis Manzano at Jennylyn Mercado kaya ang bida sa blind item ni Darla Sauler sa kanyang darlasauler.com na Kapamilya actor at sexy girlfriend TV host na hiwalay na?

Tanda namin, ilang beses nang naglabasan ang tsikang hiwalay na ang dalawa dahil may mga bagay silang hindi napagkakasunduan pero kapag nakakausap naman ang dalawa ay pareho nilang itinatanggi.

In fact going strong daw ang relasyon nina Luis at Jen at sa katunayan ay malapit sa TV host-actor ang anak ng girlfriend niya na si Alex Jazz, nakikita nga namin ang mga pino-post ni Luis sa kanyang Instagram account kasama ang anak ni Jen.

Pero kahapon, Miyerkules ay nag-post ang headwriter ng Kris TV at The Buzz na si Darla na isang Kapamilya actor ay kumpirmadong hiwalay na sa kanyang sexy TV host girlfriend na nasa ibang network at kaya namin nasabing sina Luis at Jen ang mga ito ay dahil sa clue na, “tanungin ang super famous mom ng aktor kung ikakasal na ang dalawa.”

Inisip naming si Batangas Gov. Vilma Santos-Recto ang binabanggit na super famous mom ng aktor. Sinubukan naming tawagan ang manager ni Jennylyn na si tita Becky Aguila, ang kanyang sagot, “Teka, will call Jen.”

Pagkalipas ng dalawang minuto ay nag-text na si tita Becky, “Hindi raw, magkasama pa sila (Luis) kahapon.  Masanay na raw ako sa tsismis kasi dati ikinasal sila, ngayon naman, hiwalay na?”

Okay Fine. Ibig sabihin, tsismis na naman ang break-up ng dalawa? Pero bakit parang hindi talaga mamatay-matay ang isyung ito?

( Photo credit to Google )

Read more...