Sylvia Sanchez atat na atat nang magkaapo: Handang-handa na ‘ko! Meron na nga akong mga nabiling gamit!’

Sylvia Sanchez atat na atat nang magkaapo: Handang-handa na 'ko! Meron na nga akong mga nabiling gamit!'

Sylvia Sanchez, Maine Mendoza, Arjo Atayde at Ria Atayde

SUPER excited na ang award-winning actress na si Sylvia Sanchez na magkaapo. In fact, may nga nabili na raw siyang mga gamit ng sanggol.

Yan ang chika ni Ibyang nang matanong kung looking forward na siyang makita at makarga ang mga magiging anak nina Congressman Arjo Atayde at Ria Atayde in the future.

Malapit nang ikasal si Arjo sa kanyang fiancée na si Maine Mendoza habang nagsisimula pa lang ang relasyon nina Ria at Zanjoe Marudo.

“Happy ako dahil happy din ang mga anak ko!” ang pahayag ni Sylvia nang makachikahan ng BANDERA at ng ilang piling miyembro ng entertainment media sa grand opening ng Limbaga 77 restaurant sa Trinoma Mall sa Quezon City last March 1.


Naging bahagi sina Sylvia at Diego Loyzaga sa ribbon-cutting ceremony ng nasabing resto na pag-aari ng movie producer na si Rex Tiri (T-Rex Entertainment). Naroon din si Julia Barretto para sumuporta sa pagbubukas ng Limbaga 77.

Pagpapatuloy ni Sylvia, “Excited ako sa maraming bagay na huwag na nating pag-usapan! Kung ano man yun, excited na ako, huwag niyo na akong tanungin. Kasi baka ako ang magbuking! Ha-hahahaha!”

Totoo nga bang nag-seminar na sina Arjo at Maine kamakailan  bilang paghahanda sa kanilang wedding? “Ay, zipper ako diyan! Sa kanila yan!”

Sundot na tanong nga sa premyadong aktres kung excited na siyang maging lola, “Ay! Gusto ko na ngang magkaapo! Gusto ko na talagang magkaapo, 50 na ako, e!

“Kasi, may usapan kami noon ng mga anak ko, ‘Huwag niyo akong bigyan ng apo kapag hindi pa ako 50. Gusto ko, 50 years old, bigyan niyo na ako ng apo.’

“Magagalit na ako sa mga anak ko! Hindi nga natin alam kung aabot tayo ng 60. Hindi natin alam ang buhay natin, di ba? So, yun ang usapan namin, pag 50, gusto ko nang magkaapo.

“Pero hindi ko sila minamadali. Kasi buhay nila yan. Gusto ko i-enjoy nila yung buhay nila together.


“Pero ang akin is, maghihintay ako. Basta ready na ako. In fact, meron na nga akong mga nabili! Ha-hahahaha!” chika ni Ibyang.

Samantala, isa si Sylvia sa mga celebrities na magaling magluto kaya ang next na tanong kay Sylvia,  ipapasa ba niya kay Maine ang mga recipe niya?

“Definitely, definitely. Kaya yung mga recipes ko, hindi ko talaga sine-share sa mga friends ko. Ang daming nanghihingi kapag nagpo-post ako na nagluluto, ‘I’m sorry. Lutuan ko na lang kayo, sabihin niyo sa akin!’

“Ayokong i-share yung mga recipes kasi, ang sa akin, pamana ko yun sa mga anak ko para sa pamilya nila. Kay Maine ko ituturo yun!” aniya pa.

Nangako naman ang aktres na hindi niya tuluyang kakalimutan ang pag-arte, “Hindi ko iiwanan yun at never kong iiwanan yun! Medyo ano lang ngayon, marami nang ginagawa.

“Di ba, sa district ni Arjo, tumutulong din ako sa mga constituents niya. So, naka-focus ako ngayon du’n, saka sa pagpo-produce ng movies, series, at concerts,” sabi ni Ibyang.

Diego Loyzaga at Sylvia Sanchez kasama ang may-ari ng Limbaga 77 na si Rex Tiri

Sa ngayon, ang pinagtutuunan niya ng pansin ay ang pag-aaring production company na Nathan Studio, “May mga offers para sa acting. Kausap ko kanina ang manager kong si Arnold Vegafria, meron siyang nilatag sa akin.

“So sabi ko, ‘Sige, tingnan natin kung ano ang puwede nating gawin diyan.’ Definitely hindi ko iiwanan ang pag-arte. Siguro magpapahinga, which is one year na akong nagpahinga. At nag-e-enjoy ako sa pagtulong sa district ni Arjo.

“Nag-e-enjoy din ako sa pagpoprodyus. So, panibagong field, panibagong experience for me. So, nakakatuwa,” lahad pa ng aktres.

Paglilinaw naman ni Sylvia, hindi siya co-owner sa Limbaga 77 sa Trinoma. Inimbitahan lang daw siya sa ribbon cutting.

Noong December, 2014 itinayo ang unang Limbaga 77 sa Sct. Limbaga St., Brgy Laging Handa, Quezon City. Ilan sa mga signature house-specials nila ay ang stuffed laing, kare-kare, baked lechon paksiw, stuffed bulaklak ng kalabasa, bihon gambas at adobong tadyang ng baka.

Read more...