Sandara Park ‘super excited’ sa solo album, mala-tropical vibes ang peg

Sandara Park ‘super excited’ sa solo album, mala-tropical vibes ang peg

PHOTO: Instagram/@daraxxi

PASABOG ang pinagkakaabalahan ng tinaguriang “Pambansang Krung Krung” na si Sandara Park!

Kinumpirma niya sa social media na nakatakda siyang maglabas ng solo album ngayong taon.

Wala pang masyadong detalye tungkol dito, pero sa pamamagitan ng Twitter ay excited nang ni-reveal ni Sandara ang ilang konsepto sa kanyang album.

Ayon sa dating 2NE1 member, tungkol sa kanya ang mga kanta sa bagong album.

Tweet niya, “I will give [a] big spoiler!!! The concept of my album will be ‘Sandara Park’.”

Tila nagbigay pa siya ng clue sa isa pang Twitter post na bandang Hunyo at Agosto niya ilalabas ang bagong music na kung saan ay summer season sa South Korea.

“But it’s still too early to talk about it [because] it’s still winter in Korea [emojis] spring is coming and then summer will be after spring. But I can’t stop talking [about] my album with you guys,” saad niya.

At dahil hindi na nga mapigilan ni Sandara ang kanyang excitement sa proyekto, sinagot na niya ang ilang mga katanungan ng fans.

Isa na riyan ang pagkakaroon ng kakaibang hairstyle ni Sandara na tila naging signature look niya tuwing siya ay magpe-perform.

Ibinunyag niya na plano niya ulit itong gawin sa kanyang buhok.

Sey niya sa isang fan, “I should do both!!! Crazy and Beautiful hairstyles all the time. [heart eyes emoji]  don’t worry [happy face emoji].”

May nagtanong pa sa kanya kung magkakaroon ng tropical vibes ang kanyang solo album bilang ilalabas ito sa panahon ng tag-init.

Sagot naman diyan ng K-Pop star, asahan ang katulad sa kantang “Island” ng K-Pop boy band Winner, ngunit ito ay mala-Sandara Park na style.

“Hmmm maybe?! But different tropical vibes with winner babies. They got this tropical vibe that I love!!! [blue heart emoji] like island! but i’ll do it Sandara style hehe,” Saad niya sa Tweet.

Matatandaang unang sumikat si Sandara dito sa Pilipinas matapos sumali at manalo sa talent show na “Star Circle Quest” noong 2004.

Nagkaroon pa nga siya ng hit song na “In or Out” at bumida sa ilang pelikula hanggang noong 2007.

Taong 2009 nang mag-debut naman siya sa South Korea bilang isa sa mga miyembro ng K-Pop girl group na 2NE1.

Ilan sa mga sikat na kanta ng kanyang grupo ay ang “Fire,” “I Don’t Care,” “I’m The Best,” at marami pang iba.

Nagkahiwa-hiwalay ang kanyang grupo noong 2016.

Related chika:

SB19 member Pablo wagi sa 2021 Djooky Music Awards; pinapili sa 2 bonggang premyo

Read more...