BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

BABAE IBANDERA: Mensahe ng Ilang artista sa pagdiriwang ng National Women’s Month

NGAYONG Marso, ipinagdiriwang sa ating bansa ang “National Women’s Month.”

Ang buong buwan ay sadyang inaalay para sa mga kababaihan upang mas mapalakas ang “women empowerment” at para na rin mabigyang-pugay ang kahalagang nila sa lipunan.

Para sa kaalaman ng marami, nakasaad mismo sa ating batas ang nasabing selebrasyon mula pa noong 1988.

At bilang pagpapahalaga sa “National Women’s Month,” nilapitan mismo ng BANDERA ang ilang bigating celebrities at personalities upang makahingi ng mensahe mula sa kanila.

Ina Raymundo

Mensahe ni celebrity mom at aktres na si Ina Raymundo, ang mga babae ay kailangang maging malakas, matapang at malaya.

“Stay strong! We should be stronger and we should allow our voices to be heard, and we should teach our daughters to be strong and be independent and to be brave,” sey ni Ina.

Katulad daw ng kanyang apat na anak na tinuruan niyang maging “strong women” at kayang ihayag ang kanilang nasa isip.

“I have four daughters so I always teach them to be strong women and to speak their minds, but to be respectful at the same time.”

Sa tingin din daw niya, mahalaga na may alam sa martial arts ang mga babae upang maprotektahan ang sarili.

“I think us women should also learn how to do self-defense and I think it’s very, very important,” patuloy niya.

Barbie Almalbis

Para naman sa rock icon na si Barbie Almalbis, may iba’t-ibang ekspresyon ang pagiging babae na tulad daw niya na sa pagiging rock star niya ito inilalabas.

Saad ni barbie, “I think there are many, many different expressions of being a woman.”

Kwento pa niya, “Just a while ago, somebody asked me, ‘some people say that rock music isn’t for girls.’ I was like, ‘what?!’, I always love rock music and I went to an all girls school in highschool and many of my friends from highschool all love rock music. So yeah, you know, there are many kinds of woman, I guess.”

Venus Raj

Para kay Miss Universe 2010 4th runner-up Venus Raj, hindi dapat nakadepende sa lipunan ang pagkakakilanlan ng isang babae.

Ang mahalaga raw ay kung papaano tayo minamahal at pinapahalagahan ng Diyos.

“Happy Women’s Month sa lahat po ng mga kababaihan, lalong-lalo na ho sa mga nanay na grabe ho ang pagpupursige para sa pamilya,” pagbati niya ngayong Women’s Month.

Sey pa niya, “I think one message that I would always share to women is that our identity, our value as a woman is not dependent on how people look at us or how the society defines us.”

Patuloy niya, “We should always go back to who we are, and to how the Lord looks at us kasi if we allow people to define who we are, mahirap ‘yun at tsaka ‘yun nga, the pressure is always there.”

“But know that you as a woman, you are loved, you are valued, you are treasured, especially in the eyes of our Lord,” aniya.

Vilma Santos

Sabi naman ng actress-politician na si Vilma Santos kailangang maipakita ang mga natatanging kakayahan ng isang babae.

Ito na raw ang panahon upang mabigyan ng malaking respeto ang mga kababaihan.

Sey ni Vilma, “Sa mga kababaihan, siguro in my only way. Kung ano man ‘yung kontribusyon na kaya kong ibigay just to show or support women empowerment, nandito lang ako 100%.”

“Because it’s about time they should acknowledge kung ano ang kakayanan nating mga kababaihan. We should get that kind of respect. Hindi na tayo pwedeng followers lang. Dapat ipakita rin natin na kami ay karespe-respeto at ano ang kaya naming gawin,” dadag ng batikang aktres.

Aniya pa, “So to all our women, mabuhay tayo at nandito lang ako para suportahan ang bawat isa inyo. Mabuhay ang kababaihan.”

Alfred Vargas

Binigyang halaga din ng actor-politician na si Alfred Vargas ang mga kababaihan na siyang nagbibigay ng buhay sa lahat.

Pagbati niya, “Para sa lahat ng kababaihan, Happy Women’s Month! Kayo ang aming nanay, ate, lola na talagang nagpapaganda ng mundo at ano ba naman ang mundo kung wala kayo.”

“At sana lalo pa tayong magmahalan at nandito lang kami parati and I give tribute sa lahat, lalo na ang mga nanay, kayo po talaga ang nagpalaki sa amin kesyo lalake o babae, kung wala kayo, wala talaga kami,” lahad ni Alfred.

Elijah Canlas

Para naman sa award-winning young actor na si Elijah Canlas, importanteng mapag-usapan ang women empowerment.

Ayon pa sa kanya, marami pang dapat ipaglaban ang mga kababaihan at makakaasa raw ng kanyang suporta.

“Happy Women’s Month sa lahat ng kababaihan sa mundo. I think it’s really an important topic. They are really an important event to celebrate this March,” pagbati ng aktor.

Sey niya, “Siguro masasabi ko lang, salamat sa lahat ng kababaihan. Sa mga nanay, mga nagtatrabaho, sa mga ate, anak, sa lahat lahat lahat maraming salamat sa presence ninyo. For existing, for everything that you do for our world, for our community and then laban lang.”

Aniya pa, “Marami pa tayo kailangan ipaglaban pero maaasahan ninyo po ako na sasamahan kayo sa laban na ‘yan.”

Kim Molina

Laban kung laban din ang peg ng aktres na si Kim Molina sa pagdiriwang ng Women’s Month.

Saad niya, “You are all jowable and you are all superheroes in your own way. Laban po tayo mga Pinay!”

Marco Gumabao

Binigyang pugay ng actor na si Marco Gumabao ang mga kababaihan, lalo na’t mayroon siyang apat na babaeng kapatid bukod pa sa kanyang ina.

Sey niya, “Of course, what will we do without women, diba? Lahat po tayo nanggaling sa isang babae and at the same time, lahat po tayo minamahal ng mga nanay natin.”

Dagdag pa niya, “And ako personally, I have four sisters and one very loving mom. So Happy Women’s Month sa lahat ng babae sa buhay ko, especially ‘yung sa family ko and I love you all. So let’s treat everyone with respect and love.”

Kylie Verzosa

Paalala ni Miss International 2016 at ngayo’y aktres na si Kylie Verzosa ngayong ipinagbubunyi ang Women’s Month, huwag ikumpara ang sarili sa iba at manatili lamang sa mga taong may malasakit sa inyo.

“To all the women out there, I hope you guys stay strong, always know your worth, and yeah, don’t ever compare yourself to others. And surround yourself with people that care about you,” ayon sa beauty queen-actress.

Ruru Madrid

Mensahe ni Ruru Madrid sa mga kababaihan, “Kayo po ang tunay na bayani para po sa aming lahat.”

Bukod sa ina at mga kapatid, special mention din ang kanyang girlfriend na aktres na si Bianca Umali.

“Sa nanay ko first, sa dalawa kong kapatid ko, kay Bianca at sa lahat po ng babae sa buong mundo, kayo po ang taga-salo po ng problema, kayo ang nagdadala ng pamilya,” lahad ng aktor.

“This is your month and gagawin natin ‘yan everyday. ‘Yung respeto, ‘yung pagmamahal ibibigay po namin sa inyo,” ani Ruru.

Buboy Villar

Ang Kapuso comedian na si Buboy Villar, lubos ang papuri sa lahat ng mga kababaihan.

“Sa lahat ng mga kababaihan, gusto ko po sabihin sa inyo na saludo po ako unang-una sa inyo at mahal na mahal na mahal na mahal ko po kayo,” masiglang sinabi ni Buboy sa video message.

Aniya, “Always keep fighting! Always pretty and sexy no matter what you are! Because I’m proud of you. Because you’re such a good person. I love you! You deserve better!”

Sanya Lopez

Self-love o pagmamahal sa sarili naman ang payo ng aktres na si Sanya Lopez para sa mga kapwa-kababaihan.

Sey niya, “Ang message ko sa lahat ng mga kababaihan, mas maging – alam mo ‘yun, irespeto natin ‘yung sarili natin, mas mahalin natin ‘yung sarili natin at tulong-tulong tayong i-angat ang bawat kababaihan.”

Mensahe pa niya, “Mahalin natin sila dahil tayo-tayo lang din ito. Mahal namin kayo! Mahal ko kayo! God bless you.”

Cassy Legaspi

Pagiging empowered ang iginiit ng aktres na si Cassy Legaspi kasabay ng Women’s Month.

Saad niya sa video message, “To my fellow ladies out there, Happy National Women’s Month. Please continue to feel empowered, and you know, embrace your womanhood because it is something very, very different.”

Dagdag niya, “It’s like something that we all own and I feel like we should be proud of it. So never be afraid to speak up.”

“Of course, especially struggling women out there, please never ever, ever forget your worth because already being a woman is a big deal,” ani pa ni Cassy.

EA Guzman

Ang aktor na si EA Guzman, paggalang at respeto sa mga kababaihan ang ipinapangako dahil ito raw ang karapatdapat.

“Sa lahat po ng mga kababaihan, binabati ko po kayo ng Happy Women’s Month. At bilang anak ng aking isang ina, mahal na mahal po namin kayo. Asahan niyo po na ako po, personally, at sa buong pamilya at sa – gagalangin po namin kayo, rerespetuhin namin kayo dahil ‘yun po ang deserve ninyo,” sabi ni EA.

Patuloy niya, “Saludo po ako sa inyong lahat. Hindi lang sa magulang, kundi sa lahat ng mga kababaihan dahil kayo po ang nagpapasaya sa amin. Maraming salamat po.”

Thia Thomalla

Ang rising GMA actress na si Thia Thomalla naman nais ipaalala sa publiko na hindi lang buwan ng Marso kailangang inaalala ang importansya ng kababaihan.

Sabi niya, dapat ito ay ipinagdiriwang din araw-araw.

“My message for all the women out there, not just today – for Women’s Month or for this month, but every single day, keep strong,” saad ng aktres.

Dagdag niya, “You know, the strength of a woman is different from anything else. Keep on inspiring the children, people around you and keep the passion alive.”

“And solely, a woman has something else, so keep going and I’m here for you just like you will be for me,” Ani pa ni Thia.

YARA

“Be Yourself.”

‘Yan naman ang pinaka menshae ng bagong P-Pop girl group na Yara para sa mga kababaihan.

Saad pa ng grupo, kailangang matutunan ng mga babae na mahalin at yakapin kung ano ang gustong gawin sa buhay.

Saad ng grupo, “To all the women in the world, I guess it’s cliche na you can do something that the society is telling you not to do. So don’t mind them. Just be yourself, of course. Do what you love. Do it passionately na wala kang magiging regrets in the future.”

Related chika:

‘Kasabihan’ ni Herlene Budol pambabastos daw sa kababaihan: My apologies po, hindi na po mauulit

Read more...