Version ni Toni ng 'Handog ng Pilipino sa Mundo' ginamit na pangbengga ng bashers: 'That's my amnesia gurl!' | Bandera

Version ni Toni ng ‘Handog ng Pilipino sa Mundo’ ginamit na pangbengga ng bashers: ‘That’s my amnesia gurl!’

Ervin Santiago - February 26, 2023 - 07:56 AM

Version ni Toni ng 'Handog ng Pilipino sa Mundo' ginamit na pangbengga ng bashers: 'That's my amnesia gurl!'

Toni Gonzaga

KAHIT nananahimik na ngayon, gagawa at gagawa pa rin ng isyu ang mga bashers at haters ni Toni Gonzaga para iparamdam sa kanya ang kanilang galit at paghihiganti.

Hanggang ngayon ay traydor pa rin ang tingin ng maraming Pinoy sa TV host-actress at content creator dahil sa pagtalikod at panglalaglag nito sa ABS-CBN para suportahan si Pangulong Bongbong Marcos.

Tulad na lang ng muling paglabas ng isang video sa social media kung saan mapapanood ang pagkanta ni Toni sa ilang lyrics ng naunang remake ng classic OPM hit na “Handog ng Pilipino sa Mundo”.

Ito’y dahil na rin sa paglabas ng pinakabagong version ng “Handog ng Pilipino sa Mundo” na isinulat ng singer-songwriter na si Jim Paredes para sa paggunita sa EDSA People Power Revolution kahapon, February 25.

Muling kinuwestiyon ng mga netizens ang loyalty ni Toni at ang umano’y kawalan ng utang na loob nito sa Kapamilya Network sa paglabas muli ng version ng nasabing EDSA People Power song  noong 2011.

Naka-upload sa YouTube channel ng ABS-CBN Entertainment ang recording sessions ng mga Kapamilya artists na nagsama-sama para sa nasabing kanta kabilang na sina Gary Valenciano, Martin Nievera, Zsa Zsa Padilla, Piolo Pascual at marami pang iba.

Sa isang Facebook page naman, may naka-post na screenshots ng bahagi ni Toni kasama ang iba pang Kapamilya singers.

 

View this post on Instagram

 

A post shared by Toni Gonzaga-Soriano (@celestinegonzaga)


“Handog ng Pilipino sa mundo, Mapayapang paraang pagbabago. Katotohanan, kalayaan, katarungan, Ay kayang makamit na walang dahas,” ang bahagi ng kanta na inawit ni Toni.

Kasunod nito ang pang-ookray at pangnenega uli ng mga bashers sa sisteraka ni Alex Gonzaga dahil sa pagsuporta nito sa kandidatura ni Pangulong Bongbong Marcos, anak ni dating Pangulong Ferdinand Marcos, Sr.

Napatalsik ang pamilya Marcos mula sa pwesto matapos magtagumpay ang EDSA revolt na nagluklok naman kay dating Pangulong Cory Aquino sa Malacañang.

Karamihan sa mga nagkomento ay nagsabing pinanindigan daw ni Toni ang pagiging “My Amnesia Girl” na  ang tinutukoy ay ang pelikulang ginawa nila ni John Lloyd Cruz noong 2010 mula sa Star Cinema.

“My Amnesia Girl! Hahaha.”

“That’s my amnesia gurl!”

“Totoo ba Toni Gonzaga?”

“Toni has been reduced to a meme material. She had no one to blame but herself.”

Yan ang ilan sa mga patutsada ng haters kay Toni. Pero in fairness, may mga nagdepensa rin naman sa TV host-actress kung bakit nagdesisyon itong suportahan si PBBM.

“Hayan na naman po ang mga kakampuwet… tigilan na sana si Toni!”

“Matagal na panahon na ‘yan, jusko. Move on na!”

“Baka naman kasi nagising na siya ngayon! At yung mga kumukutya sa kaniya tulog pa rin! Ge, matulog kayo hangga’t gusto n’yo. Puwede rin wag na kayong gumising. RIP in advance. Mauna na ako magsabi sa inyo ng RIP hangga’t nababasa n’yo pa.”

“Ay ungkatan ng past? Tigilan na natin si Toni. Nanalo na si PBBM.”

Bukas ang BANDERA sa magiging reaskyon ni Toni hinggil sa isyung ito.

James sa Hollywood career ni Liza: Gagawa siya ng history bilang Filipina actress…and this is just the beginning

Hirit ni Regine sa ‘baliktad na mic’ blooper: Minsan talaga ang life gagawa at gagawa ng paraan para ibagsak ka sa Earth, ‘no!?

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

KZ hindi na inaatake ng pressure sa Himig Handog; nagtatalon nang manalo ang ‘Marupok’

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Bandera. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.

What's trending