DISMAYADO ang actor-model na si Albie Casiño sa natanggap na insulto mula sa isang foreigner na nagpadala sa kanya ng indecent proposal.
Sa kanyang Instagram story na ibinahagi niya noong February 22, ipinost niya ang indecent proposal mula sa foreigner na nagtatrabaho sa Pilipinas at ang hindi nito magandang komento sa kanya.
“IT’S SUCH A SHAME THAT WE AS FILIPINOS WE GET INSULTED AND DISRESPECTED BY FOREIGNERS IN OUR OWN COUNTRY. SAYING I COULDN’T AFFORD A HAIRCUT THEN THE INSULTS TRAVEL,” umpisa ni Albie.
Pagbabahagi pa niya, nakarating na siya sa iba’t ibang bansa tapos dito pa sa sarili niyang bansa siya nabastos at nainsulto.
“I’VE BEEN ALL OVER THE WORLD AND IT’S SAD THAT I GET DISCRIMINATED IN MY OWN COUNTRY,” lahad pa ni Albie.
Kaya naman nanawagan siya sa kumpanya kung saan namamasukan ang naturang foreigner.
“WE CAN’T STAND FOR THIS AS A PEOPLE WHO EVER EMPLOYS THIS MAN DO BETTER,” sey ni Albie.
Matatandaang unang ibinahagi ng aktor ang screenshot noong February 21 ng natanggap niyang indecent proposal.
All smiles cuz it’s our last taping day for #HowToMoveOnIn30Days pic.twitter.com/Ecg9pNQChH
— albie casiño (@abcasino09) February 23, 2022
Base sa screenshot ay nag-send ang di kilalang tao ng mga larawan kay Albie na kuha sa iba’t ibang bansa na napuntahan nito.
Sinabi pa nitong hindi raw afford ng aktor na makapunta sa mga lugar na napuntahan nito.
Chika ni Albie, hindi naman na daw bago sa kanya na makatanggap ng indecent proposals ngunit kakaiba raw ang natanggap niya ngayon.
Related Chika:
Albie Casiño shookt sa foreigner na gusto siyang ‘kainin’ nang bonggang-bongga: ‘This one is wild!’
Albie Casiño sinakyan ang trip ng netizens, ginawang DP ang kamukhang pusa
Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal