ITINALAGA bilang bagong hepe ng National Capital Region Police Office (NCRPO) si Maj. Gen. Edgar Alan Okubo.
Siya ay opisyal nang nanungkulan nitong February 24 sa pamamagitan ng Change of Command Ceremony na nangyari sa Camp Bagong Diwa sa Taguig City.
Pinalitan niya sa pwesto si Maj. Gen. Jonnel Estomo na ngayon ay Deputy Chief for Operations ng Philippine National Police (PNP).
Sa kanyang talumpati, ipinangako ni Chief Okubo na mas mapagkakatiwalaan at magiging propesyonal ang pwersa ng pulisya.
“We shall provide an environment that breeds a culture of trust, loyalty and professionalism,” sey ng hepe.
Patuloy niya, “On this end, I commit to providing you with the brand of leadership and direction that is founded upon inclusivity and participation within my means and capacity.”
Dagdag pa niya, “If the PNP fails in the National Capital Region then, in the eyes of the people, the PNP is a failure in general.”
“I must say that the NCRPO is a show window of the entire PNP–being mapped in the center of economic activities, being the most successful subject of news articles, being confronted with almost all kinds of criminal activities,” aniya.
Bukod diyan ay plano rin daw ng hepe na ituloy ang programang “Kasimbayanan (Kapulisan, Simbahan at Pamayanan)” na naglalayong mapalapit ang mga pulis sa komunidad.
“It is my desire that our men in NCRPO will go down to the community and implement the revitalized police in the barangay,” saad niya.
Ani Chief Okubo, “Let us bring the police to the center of the community and not the community going and finding where the police are.”
At gaya ng mga nagdaang NCRPO chief, nangako rin si Maj. Gen. Okubo na isasagawa pa rin ang kampanyang anti-illegal drugs ng administrasyong Bongbong Marcos.
Read more:
Manila kinilalang ‘Most Loving Capital City in the World’, may pinakamaraming ‘I love you’ tweets