MAMIMIGAY ng kalahating milyon na libreng plane tickets ang Hong Kong sa buong mundo.
Ito ay bilang parte ng kanilang mega-campaign upang maibalik ang sigla ng turismo ng kanilang bansa.
Kung maaalala, tatlong taon nagsara sa turismo ang Hong Kong dahil sa epekto ng COVID-19 pandemic.
Ang tickets ay ipamimigay ng Airport Authority Hong Kong sa pamamagitan ng local carriers na Cathay Pacific Airways, Hong Kong Express, at Hong Kong Airways
Ang magandang balita pa ay isa ang Pilipinas sa mga unang mabibigyan ng pagkakataon sa raffle na mag-uumpisa na sa March 1.
At para masuportahan ng Hong Kong ang kanilang mga lokal na negosyo ay mamimigay din sila ng milyon-milyong vouchers sa mga bibisita ng kanilang bansa.
Ang vouchers ay pwedeng magamit sa mga bar, restaurant, hotel, at marami pang iba.
Ayon sa chairman ng Hong Kong Tourism Board na si Pang Yiu-kai, naglaan sila ng HK$2 billion o P13.7 billion upang mahikayat na muli silang bisitahin ng mga turista mula sa iba’t-ibang bansa.
“Hong Kong is back on the map for global travelers, with more excitement to offer than ever before,” sey ni Yiu-kai.
Patuloy niya, “We are extending a biggest welcome to the world through the ‘Hello Hong Kong’ campaign, inviting friends from everywhere as they return to one of the world’s greatest tourism destinations.”
“I am confident that Hong Kong’s vibrant east-meets-west culture, together with our iconic and brand-new attractions and immersive experiences will attract travelers back for an epic, unforgettable journey,” dagdag pa ng chairman.
Related chika:
Mga magsasaka pwede pa ring kumuha ng ‘fertilizer discount vouchers’ hanggang Nov. 30