Ilang lugar sa Visayas, Mindanao positibo sa ‘red tide’ – BFAR

Balita featured image

WALONG lugar sa bansa ang positibo sa tinatawag na “toxic red tide.”

Ito ang naging babala ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa publiko, lalo na sa Visayas at Mindanao.

Ang ibig sabihin niyan, ipinagbabawal na muna ang pagkain ng lahat ng klase ng alamang o shellfish dahil mayroon itong lason na dulot ng pagkakontamina ng lamang-dagat.

“Hindi ligtas kainin ang mga shellfish na nabanggit sa mga lugar dahil ito’y nakalalason,” sey ni Nazario Briguera, ang hepe ng BFAR Information and Fisherfolk Coordination Unit.

Narito ang listahan ng mga lugar na apektado ng red tide:

Ayon sa BFAR, ligtas namang kainin ang mga isda, hipon, alimango at pusit.

Dapat lang daw ay hugasan at linisin nang mabuti at kailangang tanggalin ang hasang at kaliskis ng mga ito bago lutuin.

Samantala, inanunsyo naman ng Irong-irong at San Pedro Bay sa Samar na ligtas na sila sa red tide.

Read more:

Marian: May anak ako kaya kailangan kong maging matatag at malakas para sa kanila

Read more...