Olympic skateboarder Margielyn Didal engaged na sa longtime partner

Olympic skateboarder Margielyn Didal engaged na sa longtime partner

PHOTO: Instagram/@margielyndidal

ENGAGED na ang Pinoy olympic skateboarder na si Margielyn Didal sa kanyang longtime partner na si Jozel Manzanares!

Ang masayang balita ay inanunsyo mismo ni Margielyn sa isang Instagram post kasabay ng kanilang ika-walong anibersaryo na mag-dyowa.

Bukod sa ilang pictures ng romantic proposal ay makikita rin na naiyak sa tuwa ang partner ng olympian.

Bungad niya sa caption, “Yes or YES?!!

Dagdag pa niya, “Happy 8th Anniversary mybytch and cheers to our new Begingneng.”

Marami naman ang nagpaabot ng masayang pagbati para sa dalawa at kabilang na riyan ang Olympic champion weightlifter na si Hidilyn Diaz at OPM singer na si Chito Miranda.

“Congratulations Champ,” sey ni Hidilyn.

Random emojis naman ang naging comment ni Chito.

Matatandaan noong 2018 nang makakuha ng gold medal sa Asian Games si Margielyn.

At sa parehong taon ay nag open-up mismo si Jozel na isa siya sa nakasaksi sa skateboarding journey ni Margielyn mula sa nawalan ito ng ngipin, nabalian ng collarbones at nawalan ng sponsors.

Taong 2019 naman nang makakuha ng gintong medalya si margielyn sa Southeast Asian Games.

Binansagan namang “legend” si Margielyn noong 2020 kahit natalo sa sinalihang Tokyo Olympics.

Hinangaan kasi ng buong mundo ang kanyang “positive attitude” at “sportsmanship” nang mag-trending ang eksena niya na masaya at sumasayaw pa kahit natalo sa final ng “Women Street Skateboarding.”

May uploaded dance video pa nga siya kasama ang nakatunggali at nanalong silver medalist mula Brazil.

Related chika:

Margielyn Didal binansagang legend sa Tokyo 2020 Olympics

Read more...