Albie Casiño shookt sa foreigner na gusto siyang ‘kainin’ nang bonggang-bongga: ‘This one is wild!’

Albie Casiño shookt sa foreigner na gusto siyang 'kainin' nang bonggang-bongga: 'This one is wild!'

Albie Casiño

NAG-REACT ang Kapamilya hunk actor na si Albie Casiño sa isang foreigner na diretsahang nag-offer sa kanya ng indecent proposal.

Ayon kay Albie, talagang ikinagulat niya ang comment ng nasabing Instagram user na nagpakita ng motibo sa kanya sa pamamagitan ng direct message.

Ipinost ng aktor sa kanyang Instagram Story nitong nagdaang Martes, February 21, ang screenshot ng mensaheng ipinadala sa kanya ng foreigner.

Dito mababasa ang kuwento ng naturang foreigner tungkol sa mga bansang napuntahan na niya pero ang nakakalokang twist nito, tila minaliit pa niya ang binata.


Sinabihan kasi siya na hindi raw niya maa-afford ang magpunta sa mga nabisita niyang mga bansa kaya mag-enjoy na lang daw ang aktor ang mga ipinost niyang mga photos sa social media.

At mas lalo pang na-shock si Albie nang sabihan siya ng foreigner na, “I eat you for breakfast tiny man.” Pero sinakyan lang ito ng binata.

Sey ni Albie, matagal na siyang nakakatanggap ng mga indecent proposal sa socmed pero grabe raw ang pinagsasabi ng nasabing foreigner.

Sabi nga niya sa caption ng kanyang IG post, “WHOAH! I’VE GOTTEN INDECENT PROPOSALS BEFORE BUT THIS ONE IS WILD! @_____ YOU WANNA EAT ME THAT BAD MAN? CHILL BROOO.”

* * *

Nagpahayag ng pasasalamat ang host na si Vice Ganda sa tagumpay ng “Everybody, Sing!” Season 2 sa finale episode nito noong Linggo (February 19).

“Maraming salamat po sa pagbibigay sa amin ng tyansang makapag-share ng blessings, maka-touch ng buhay. Salamat, Lord, at ginawa mo kaming instrumento sa pagbibigay ng serbisyo sa mga kababayan namin,” sey ng komedyante.

Binanggit din niya ang mga naging kalahok o “songbayanan” na nagbahagi ng kanilang mga kwento ng pag-asa at inspirasyon.

“Salamat po sa mga contestants namin na nag-share ng istorya nila po nila na masasaya, pinagdaanan, karanasan, mga lungkot nila. Lord God, thank you for this wonderful chance, this program is such a beautiful gift na lagi po naming ipagpapasalamat,” aniya pa.


Para sa finale episode, nanalo ng P1 milyon na jackpot prize ang songbayanan ng mga mag-ex at magkasintahan.

Bagama’t nahirapan silang hulaan ang dalawang natitirang kanta sa “Everybody GuesSing?” round, matagumpay nilang natapos ang laro na may natitira pang 27 na segundo.

Bukod sa kanila, ang iba pang nagwagi na nag-uwi ng P1 milyon na jackpot prize ay mga beautician, empleyado ng bangko, gas station attendant, at mga bartender.

Nag-trending din ang Unkabogable Star, na kamakailan lang ay pumirma ng kontrata sa ABS-CBN, para sa kanyang mga pambihirang outifit sa bawat episode, na iniayon niya sa trabaho o klasipikasyon ng mga “songbayanan.”

Samantala, bago mamaalam sa ere ang “Everybody, Sing!”, ipinakita ng programa ang posibilidad ng panibagong season.

Julius Naranjo nag-offer ng pre-nup agreement kay Hidilyn Diaz

Loisa, Ronnie may plano raw lumipat sa GMA; Kid Yambao payag sa indecent proposal

Richard Reynoso naglabas ng hinaing sa sunud-sunod na concert ng foreign artists sa Pinas: Mabuti pa sila…

Read more...