Parokya ni Edgar lead guitarist Gab Chee Kee inilabas na sa ICU: ‘Slowly but surely, gagaling siya, God is good!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Parokya ni Edgar at Gab Chee Kee
DASAL ng mga kapamilya at kaibigan ng Parokya ni Edgar lead guitarist na si Gab Chee Kee ang tuluy-tuloy na paggaling nito matapos mabalitang inilabas na siya sa ICU o intensive care unit.
Makikita sa official Instagram page ng OPM iconic band na Parokya ni Edgar ang latest post ng grupo tungkol sa mga naging development sa health condition ni Gab.
Ayon sa caption ng IG post, mananatili sa progressive care room ang gitarista habang patuloy na inoobserbahan ng mga doktor ang kanyang kalagayan.
Kalakip ang litrato ng kamay ni Gab habang may hawak na gitara ang mensahe ng Parokya ni Edgar sa lahat ng kanilang tagasuporta at social media followers.
“Hindi pa siya makakalabas ng hospital anytime soon, pero eto siya, nagpapraktis na mag-gitara para makapag-gig ulit siya para sa inyo!” ang bahagi ng caption.
Inamin naman ng grupo na malayo pa sa 100% ang pagbuti ng kundisyon ni Gab pero, “he is now recovering from pneumonia and its complications.”
“Puwede na rin siya humawak ng cellphone at nababasa niya ang comments, kaya ‘wag kayo magulat kung biglang mag-reply siya sa inyo!” ayon pa sa IG post ng Parokya.
Nakiusap din ang mga kabanda ni Gab na sana’y puro positive at inspiring comments lang ang mabasa nila sa socmed para mas mapabilis ang paggaling ni Gab.
“Once he has completely recovered from the pneumonia and complications, he can continue with the treatment for his lymphoma. Slowly but surely, gagaling si Gab! God is Good!” sabi pa ng grupo.
Ang lead vocalist ng banda na si Chito Miranda ang unang nagbalita sa publiko tungkol sa tunay na kundisyon ni Gab. Na-diagnose raw ito ng lymphoma last year at patuloy na sumasailalim sa chemotherapy.
Sabi pa ni Chito sa isang Facebook post, “Nag-decide kami na i-update na kayo regarding Gab’s situation. Gab needs to undergo treatment, and won’t be able to play until he makes a full recovery.
“Gab is the heart of the band, and it doesn’t feel like Parokya kung wala siya.
“Bestfriend ko si Gab mula 1st year high school, and siya lang ‘yung palagi kong ka-jamming bago pa naming ma-isipan mag-buo ng banda…at kahit nung naging Parokya na kami, si Gab pa rin yung sinusundan ko whenever we perform live,” aniya.
Dagdag pa ni Chito, “Gitara yung sinasabayan ko tuwing gig, sa kanya ko kinukuha ‘yung tono, at sa kanya ko din tinatanong kung nasa tono ba ako o wala (peace sign emoji). Yun ‘yung reason kung bakit ayoko tumugtog with Parokya kung wala sya.”