Boyet wish makatrabaho uli si Ate Vi; inatake ng nerbiyos nang una silang magkita sa show na ‘Vilma’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vilma Santos at Christopher de Leon
WISH ng award-winning veteran actor na si Christopher de Leon na makatrabaho uli sa pelikula o teleserye ang Star for All Seasons na si Vilma Santos.
Itinuturing ni Boyet na isa sa mga milestones ng kanyang showbiz career ang makasama sa napakarami niyang pelikula si Ate Vi sa loob ng maraming taon.
Sa ABS-CBN special na “Anim na Dekada Nag-iisang Vilma” na bahagi ng ika-60 anibersaryo ng movie icon sa mundo ng showbiz, nagbahagi ng mensahe si Boyet para sa kanyang ka-loveteam.
“You’ve done so much for the industry, Vi. You’ve done so much for us.
“You’ve been the same person ever since I met you kahit na naging governor ka, naging congressman ka, naging mayor ka and now you are back. You are still the same. You are still friendly as a sunshine,” simulang paglalarawa ni Boyet kay Vilma.
“And everywhere you go, you light up the place. Keep up the good work and hope to work with you again.
“Congratulations and happy anniversary sa entertainment world. You’ve done a lot for this industry and thank you very much,” dugtong pa niya.
Knows n’yo ba na nakagawa na sina Ate Vi at Christopher ng mahigit 20 movies together kabilang na ang mga classic award-winning films na “Relasyon,” “Broken Marriage” “Imortal”, “Dekada ’70”, “Sinasamba Kita” at “Ikaw Ay Akin”.
Dagdag pang pahayag ni Boyet patungkol sa premyadong aktres at dating public servant, “Vilma, she gives you your moment. The first time I saw Vilma was nu’ng nag-guest ako sa ‘Vilma’, that was like wow!
“I was so nervous then, very nervous, and she was so nice to me and ang gaan pa lang kasama. So nu’ng ginawa na kami ng pelikula, she was so nice to work with and very, very pleasant,” pag-alala pa ni Boyet.
Reaksyon naman ni Ate Vi sa mga naging pahayag ng isa sa mga favorite niyang leading man, “Karangalan at parte na ng buhay, ng career ko si Mr. Christopher de Leon at alam ng madla ‘yon. Than you again, YetBo.”