Buking! Mga Pinay na mahilig sa ‘afam’ binalaan sa poser-scammer na nambibiktima sa socmed

Buking! Mga Pinay na mahilig sa 'afam' binalaan sa poser-scammer na nambibiktima sa socmed

Ang Facebook page na ginagamit ng nagpapakilalang Udon Maxwell

MARAMING netizens ang nagkainteres sa isang lalaking foreigner mula sa Amerika na viral na ngayon sa social media.

Sa isang Facebook post kasi, nakasaad na naghahanap daw ang naturang afam ng Pinay na pwede niyang maging dyowa kapag nakapunta na siya rito sa Pilipinas.

In fairness, na-excite naman ang mga netizens, lalo na ang mga kababaihan, sa ipinost ng lalaking nagngangalang “Udoh Maxwell” sa Facebook page na “BWT Komunidad.”

Ang caption sa mga litrato ng nasabing foreigner ay, “Hello from USA I’m looking for Someone with beautiful heart, i hope that i can find my Soulmate in this group.. NEXT WEEK COMING TO PHILIPPINES.”

Sandamakmak na comments, likes at share ang nakuha ng FB post at karamihan nga ay nagsabing game na game silang makilala si Udoh Maxwell nang personal at feeling nila sila na ang matagal nang hinahanap ng guy.

“I nominate myself to be the dyowa of the afam.”

“Suddenly I wanna go to USA.”

“Itayo ang karangalan ng Pilipinas hahaha.”

“Itabi n’yo na, ako na ‘to hahaha.”

“Baka ito na ang sagot sa kahirapan mga dzhai hahaha.”

“Ay grabe, ang hottie niyaaaaaahhh mga accla, tara na!”

At in fairness, maging ang aktres at celebrity mom na si Jennica Garcia ay nakipila na rin sa mga nais “mag-apply” bilang dyowa ng naturang American guy.

Ni-repost ni Jennica sa kanyang Twitter account ang FB page ng nasabing lalaki at nilagyan ng caption na, “Si Lala na ‘to. Ipupusta ko si Alexa, kahit isama niyo pa si Tatay Abe… Kay Lala na ito. #LabanPinay.”

Si “Lala” ay ang karakter niya sa Kapamilya series na “Dirty Linen”.

Ngunit, ayon naman sa ilang comments na nabasa namin, peke umano ang nasabing account dahil nalaman daw nila ang tunay na pangalan at social media account ng naturang foreigner.

Binalaan pa nila ang mga nagkomento sa nasabing FB page na huwag basta naniniwala sa mga ganoong klaseng post dahil sandamakmak na ang nabiktima ng usung-uso ngayong “love scam.”

“Yung mga uhaw sa pag ibig jan hinay hinay baka ma scam kayo ng poser na nagpapanggap na afam baka kapwa pilipino lang din yan para maka pang scam, ang totoong may ari ng picture ay si orlando baronne pwede nyo icheck instagram nya, yung udoh maxwell poser lang,” ang paalala ng BWT Komunidad FB page.

Heart binalaan ang publiko laban sa sinungaling na doktor; netizen pinayuhang magdemanda

Richard Reynoso naglabas ng hinaing sa sunud-sunod na concert ng foreign artists sa Pinas: Mabuti pa sila…

Chito Miranda sa kakulangan ng suporta sa local shows: Targeting foreign shows or acts is not the solution

Read more...