“OUR national pride!”
‘Yan ang sigaw ng maraming Pinoy fans matapos ipalabas ang P-Pop group na SB19 sa isang Korean documentary.
Naging tampok kasi ang Pinoy boy band sa ika-apat na episode ng “K-pop Generation.”
Isa itong docuseries sa South Korea na tungkol sa epekto ng K-Pop music, pati na rin ang impluwensya nito sa iba’t-ibang mundo.
Sa nasabing episode, tinalakay nina Josh, Pablo, Stell, Ken, at Justin ang kanilang goals bilang grupo.
Napag-usapan din nila ang kanilang pag-angat at pagsikat pagdating sa musika.
Unang ipinaliwanag ni Stell, ang main vocalist at choreographer ng grupo, ang adbokasiya ng kanilang grupo.
Sey niya, “SB stands for ‘Sound Break’, meaning breaking into the music scene in the Philippines.”
Patuloy niya, “And of course, also to promote Filipino music and Filipino culture to the world stage.”
Kung maaalala, nabuo ang grupo matapos silang mag-audition sa ShowBT Philippines at nang makapasok sila diyan ay apat na taon silang nag-training sa South Korea.
Nag-open up din ang leader ng SB19 na si Pablo tungkol sa Korean training system na sila mismo ang nakaranas.
“I think one of the factors that made us choose this company is because it’s a Korean company and we know that Korean entertainment is very flourished,” ayon kay Pablo.
Sey pa niya, “It’s very successful, and they have their own system to train their talents and artists.”
Sinabi naman ng lead rapper at vocalist na si Josh na kahit sila ay nabuo sa pamamagitan ng Korean training system ay nais pa rin nilang gumawa ng sariling pangalan sa industriya ng musika bilang mga Pilipino.
“Since we auditioned at the same company and most of us have the same vision, we wanted to make a change in this industry. That’s why we came up with the name ‘Sound Break’,” chika niya.
Dagdag pa niya, “It means breaking into the music industry in the Philippines, and I think hopefully in the world as well, and that’s what we’re doing right now.”
“We’re very lucky and fortunate that we were able to do it, slowly but surely,” aniya.
Kakatapos lang ng “Where You At (WYAT)” world tour ng SB19 nitong Disyembre na kung saan ay nagtanghal sila hindi lang dito sa Pilipinas, kundi pati na rin sa Dubai, United States at Singapore.
Sa ngayon, abala ang grupo sa pagbuo ng kanilang upcoming album na may titulong “Pagtatag.”
“The album is basically about strengthening the foundation as a group which came from the ideas of all the members,” chika ng grupo tungkol sa album.
Anila, “Definitely, different flavors and new experiences na pinagsama sa iisang album kaya mage-enjoy sila which fans will enjoy.”
Related chika:
Daniel sa 10 years ng KathNiel: Roller coaster ng mga memory ang nabalikan namin ni Kathryn…