Anne Curtis sasabak sa Tokyo marathon: I will be running for a very meaningful cause

Anne Curtis sasabak sa Tokyo marathon: I will be running for a very meaningful cause

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

LOOKING forward na ang TV host-actress na si Anne Curtis para sa sinalihang Tokyo Marathon ngayong Marso.

Ibinahagi pa ni Anne sa social media ang kanyang todo practice at paghahanda upang ikondisyon ang kanyang katawan sa takbuhan.

Sa Instagram, sinabi ng TV host-actress na nakatapos siya ng dalawang kilometro ng takbuhan.

Naikwento pa niya na taong 2019 pa ang kanyang huling marathon.

Biglaan lang din daw ang pagsali niya ngayong taon dahil nitong January 1 lang siya nakapag-decide na sumali.

Caption niya, “I’ve deferred my entry since 2019 & decided to commit on Jan 1 to finally do it – giving me just about 2 months to train.”

Nabanggit din niya na mas ginaganahan siyang tumakbo ngayon dahil magiging makabuluhan ang kanyang pagsali.

Sey ni Anne, “I’m even more inspired because, as my past 2 marathons, I will be running for a very meaningful cause.”

At speaking of meaningful cause, sinabi ng aktres sa hiwalay na IG post na tatakbo siya para makakalap ng pondo na makakatulong sa mga batang biktima ng pang-aabuso at karahasan.

“Running with a purpose has always made each kilometre even more meaningful,” saad niya sa post.

Aniya, “And for my 3rd marathon in Tokyo on March 5, I’m dedicating it to help raise funds for child victims of violence, abuse and exploitation,”

Related chika:

Vice Ganda super proud sa pagsali sa marathon ni Ion Perez: ‘Supportive wifey yarn!?’

Read more...