Willie ipinagtanggol ni ‘Congratulations Girl’: ‘Sa halip na i-bash, ipag-pray na lang natin siya’
By: Alex Brosas
- 2 years ago
Willie Revillame at April ‘Congratulations’ Gustilo
HINDI napigilan ng former “Wowowee” dancer-host na si April Gustilo, o mas kilala bilang “Congratulations” girl, na idepensa Willie Revillame laban sa mga bashers nito.
Matatandaang naokray nang husto si Willie dahil ini-reveal nitong may ilang personalities sa showbiz na may utang na loob sa kanya.
Nakausap namin nang one-on-one si April sa presscon ng “Baka Sakali”, a BL movie now streaming on AQ Prime.
“Nalulungkot para sa kanya kasi alam ko ‘yung nararamdaman niya. Gusto ko lang sabihin na siguro kaya sinasabi ni Kuya ang mga bagay na ‘yun ay gusto lang niyang i-defend ang sarili niya kasi masyado na sigurong masakit para sa kanya,” say ni April na kilalang-kilala si Revillame dahil nakasama niya ito sa “Wowowee”, “Willing Willie”, “Wil Time Bigtime”, “Wowowillie” and “Wowowin”.
“Si Kuya, alam naman nating napakaprangka niyan. Kahit nga mag-live kami sa TV ay pinapagalitan kami niyan.
“Hindi siya ‘yung tipong tao na kung ano ang nasa loob niya ay hindi niya kayang hindi ilabas. Natural sa kanya ‘yun. Ganyan talaga siya,” paliwanag pa niya.
Ang feeling ni April ay sobrang stressed out lang ang kanyang former boss kaya naman ang hiling niya ay ‘wag na itong i-bash kundi ipag-pray na lang ito.
“Imbes na (okrayin) sana ipag-pray na lang natin kasi si Kuya ang daming natutulungan na mga tao. Ipag-pray na lang ‘yung health. Hindi naman kasi worth it na mag-away-away pa sa ngayon,” say niya.
Huling nakasama ni April sa Willie last January 27 sa birthday party nito. Kasama ni April ang iba pang “Wowowee” members at naiyak pa nga ang TV host sa kanilang surprise number.
Daring ang role ni April sa “Baka Sakali”, a BL (Boy’s Love) movie starring Drei Arias, Leandre Adams, and Seon Quintos.
Noong una, ang feeling niya ay hindi niya kakayanin ang love scenes pero na-carry naman niya.
Now na nagawa na niya ang mga sexy scenes, kakayanin na ni April ang mas mapangahas na paghuhubad.