‘MMK’ ni Charo Santos posible pa kayang mapanood muli sa ABS-CBN?
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Charo Santos
MARAMI ang umaasa na darating din ang tamang panahon na magbabalik pa rin ang drama anthology ni Charo Santos na “Maalaala Mo Kaya” sa ABS-CBN.
Sa mga nababasa naming comments sa social media, naniniwala sila na magkakaroon ng bagong season ang “MMK” na tumagal nang 31 years sa telebisyon.
Ayon kay Charo, tanggap na niya ang pagkawala sa ere ng kanyang programa na itinuturing niyang isa sa mga biggest blessing na natanggap niya sa kanyang buhay at showbiz career.
Sa nakaraang presscon ng “FPJ’s Batang Quiapo” nabanggit ng award-winning veteran actress na forever nang nakatatak sa kanyang puso ang “MMK” na naging bahagi na rin ng buhay ng bawat Filipino sa loob nang mahigit tatlong dekada.
“I think in the 31 years of ‘Maalaala Mo Kaya’ the program has touched the lives of millions of Filipinos and other people from other countries who have had the opportunity to watch the weekly drama anthology with beautiful, true to life stories of Filipinos,” pagbabahagi ni Charo.
“‘MMK’ has been such a blessing and the show has been honored with the appearances of these great talents,” aniya pa.
Last December, in-announce nga ng Kapamilya Network na magpapaalam na nang tuluyan sa ere ang “MMK” makalipas ang 31 years nang paghahatid ng mga makabuluhan at inspiring na kuwento ng bawat Filipino.
Ito ay itinuturing na katapusan ng isang “era” sa Philippine television bilang Asia’s longest-running drama anthology.
Samantala, sa pagtatapos ng “MMK”, panibagong challenge ang haharapin ni Charo Santos bilang isa sa mga bida sa latest series ng ABS-CBN, ang “Batang Quiapo” starring Coco Martin and Lovi Poe.
Sabi ng beteranag aktres at movie icon, “These stories are stories of hope, courage, strength of character, stories that inspired a lot of our viewers.
“I’m a very, very, very, very involved, committed talent, member of the cast of ‘Batang Quiapo.’ It’s really pride and honor to be included in the cast of ‘Batang Quiapo,'” sabi pa niya.
Huling napanood si Charo sa “FPJ’s Ang Probinsyano” na pinagbidahan din ni Coco at ngayon nga ay muli siyang sasabak sa matinding aktingan sa “Batang Quiapo” na napapanood sa iba’t ibang platforms ng ABS-CBN.