David Licauco nagsalita na sa banggaan ng ‘Maria Clara At Ibarra’ at ‘Batang Quiapo’ ni Coco; tuloy pa rin ang pagpapa-yummy

David Licauco nagsalita na sa banggaan ng 'Maria Clara At Ibarra' at 'Batang Quiapo' ni Coco; tuloy pa rin ang pagpapa-yummy

David Licauco

NAGSALITA na ang Pambansang Ginoo at Kapuso hunk na si David Licauco tungkol sa banggaan ng serye nilang “Maria Clara At Ibarra” at “FPJ’s Batang Quiapo” ni Coco Martin.

Pagkatapos nga ng “Darna”, ang bagong teleserye naman ngayon ng ABS-CBN na “Batang Quiapo” ang ipinangtapat sa hit primetime series ng GMA na pinagbibidahan nina David, Barbie Forteza, Julie Anne San Jose at Dennis Trillo.

Pero ayon kay David, wala naman daw issue sa kanya ang tapatan at banggaan ng mga teleserye dahil kahit kailan hindi siya naniwala sa network war lalo na ngayong may collaboration na rin ang ABS-CBN at GMA 7.

“Different naman yung market, e. Kumbaga, yung Maria Clara, I feel nasa Gen Z side, and pinapanood nila yun because of the history, because of the romantic side.

“Pero yung sa FPJ, pinapanood siguro yun dahil…ano ba ang story nu’n? Hindi ko alam. Action siya, e. Of course si Coco Martin yun and malaki na yung napatunayan niya.

“Ako for me, hindi naman ako na-challenge o na-insecure kasi I feel na na-build naman namin yung market namin, kumbaga yung mga viewers namin. So, I mean, at the end of the day, I don’t believe in the network war.

“I mean, as long as we’re making people happy and nakakalimutan ang mga trabaho at problema nila, okay na rin yun. Whether manood sila ng ABS or GMA, okay na yun,” pagbabahagi ni David.


Samantala, sa presscon naman ng bago niyang endorsement, ang Blue Water Day Spa last Friday, February 17, natanong ang hunk actor-model kung ano ang feeling ng biglang pagdami ng kanyang projects nitong mga nakaraang buwan.

“Honestly, it’s a bit overwhelming for me. I would say na I’m an introverted person. But then, you know, I’m already here, so I’m just taking it day by day,” tugon ni David na itinuturing na ngayong isa sa promising leading man ng GMA dahil sa success ng “Maria Clara at Ibarra.”

Dito talagang umariba nang bonggang-bongga ang tambalan nila ni Barbie na “FiLay”, ang pinagsamang Fidel at Klay na siyang karakter nila sa matagumpay na historical portal fantasy series ng GMA.

Aminado si David na hindi niya in-expect ang napakainit na pagtanggap sa kanya ng mga manonood ng “Maria Clara at Ibarra.”

“Nagulat ako na ganu’n ang success ng Maria Clara at Ibarra because at the start, I was just a supporting character, e.

“Tapos, eventually, naging main character siya, mas doon ako nagulat. Kumbaga, sobrang tinanggap ng mga tao and the hype is like very on top talaga,” sey ng aktor.

Aniya pa, todo rin ang ginawa niyang paghahanda para sa nasabing serye, “I went on workshops. Personal workshops talaga, I paid for that myself. All hard work lang.

“Siyempre, matagal ko siyang pinaghirapan kaya nakakatuwa. Ngayon na napapansin na yung acting abilities ko, parang gusto ko pang galingan sa mga susunod na projects,” sabi ni David.

At sa kasikatang tinatamasa niya ngayon, “I try not to think about it. But sometimes, I ask my manager kung ano yung next plan, kung ano ang puwedeng gawin.

“Siyempre, it’s hard to sustain a career like this. I don’t wanna it to be a one-hit-wonder kind of success.

“So for me, as long as I study acting, I still have to improve on that. Of course, I have to take care of my body by working out. I just have to wait for the next opportunity,” lahad pa ng matinee idol at bagong pantasya ng kababaihan at kabadingan.

Para sa lahat ng FiLay fans, abangan n’yo na lang ang mga susunod na pasabog nina David at Barbie.

David Licauco hindi pa handang magpakasal kaya nagkahiwalay ng dating dyowa; iniyakan ang ex-GF na taga-ABS-CBN

Dennis Trillo sa pagganap bilang Crisostomo Ibarra: Sobrang bigat kaya parang hindi ka puwedeng magkamali…

Bakit nga ba pumili ng mga social media influencers si Coco Martin na maging parte ng ‘Batang Quiapo’?

Read more...