Epal na basher na nambasag sa pamamasyal nina Maine at Arjo sa Disneyland binanatan ng fans: ‘Inggit ka lang!’
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Arjo Atayde at Maine Mendoza
MISMONG ang mga tagasuporta nina Maine Mendoza at Quezon City 1st District Congressman Arjo Atayde ang nagtanggol sa kanila laban sa epal na “golden basher” sa social media.
Kinuyog ng mga Instagram users ang netizen na nambasag sa pampa-good vibes at pampakilig na mga litratong ipinost ni Maine sa kanyang IG account kamakailan.
In fairness, kahit parehong busy sa kani-kanilang trabaho ang celebrity couple ay talagang naglalaan sila ng oras at panahon para magkasama at bumawi sa isa’t isa.
Tulad na nga lang ngayong love month, muling nag-bonding ang engaged couple sa Hong Kong Disneyland kamakailan para i-celebrate ang Araw ng mga Puso.
Sa kanyang Instagram account, ibinahagi nga ni Maine ng ilang sweet photos nila ng kanyang fiancé na kuha sa paglilibot nila sa Hong Kong Disneyland.
In-enjoy nina Maine at Arjo nang bonggang-bongga ang mga rides doon kabilang na ang Hyperspace Mountain.
Sey ng TV host-actress sa caption ng kanyang IG post, “12 hours in Hong Kong because why not.”
Bumaha naman ng heart emojis at positive comments sa post ni Maine mula sa mga netizens at ArMaine fans. Kinilig din ang mga kaibigan ng “Eat Bulaga” host na sina Maja Salvador, MJ Lastimosa, at ang sister ni Arjo na si Ria Atayde.
Ngunit isa ngang hater ang kumuwestiyon sa pagpunta ni Arjo sa Disneyland. Pambabasag ng basher, “Wala ba work sa Congress?”
Hindi sinagot nina Arjo at Maine ang patutsada ng netizen pero binanatan nga ito ng mga followers ng engaged couple.
“Ang work ni arjo sa congress ay from Monday up to Wednesday only wala sila sa congress ng buong isang linggo after 5pm pwede ng mamasyal inggit ka lang kay Cong Arjo di mo kaya yang trip to HK ng 12 hours lang tapos balik agad belat.”
“Hahaha! clingy ka masyado feeling mo mga congressman 24/7 dapat lagi nasa congress. President nga mayat maya alis kasama sandamakmak nya alipores for ‘state visit’ daw.”
“Siguro naman pwede sila mag day off or mag leave kht 1 day lang no?”
In fairness naman kay Rep. Arjo, mukhang hindi naman niya napapabahaan ang trabaho niya sa kongreso base na rin sa mga naka-post sa kanyang Facebook account.
Marami-rami na rin ang nagagawa niyang proyekto para sa 1st District ng Quezon City, kabilang na riyan ang construction ng flood control, sports program para sa mga kabataan, at ang pagpapataas sa moral ng mga kapulisan.
Matatandaang namahagi rin si Arjo ng mga cellphone sa mga pulis na nakabase sa kanilang lugar para may magamit ang mga ito kapag may mga official at legit na operasyon.