LPA posibleng maging bagyo, asahan ang mas maulan na panahon – PAGASA

Balita featured image

SA mga susunod na araw ay posibleng magkaroon na ng bagyo sa bansa.

‘Yan ang inanunsyo ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA) ngayong February 19 sa isang press briefing.

“Kaninang alas tres, ‘yung Low Pressure Area na mino-monitor natin ay huling namataan sa layong 160 kilometers East ng Tacloban City. Nananatili ang mababang tsansa nito na maging bagyo within 48 hours ngunit hindi rin natin ni ro-rollout ‘yung possibility na ito ay mag-develop at maging isang ganap na bagyo sa mga susunod na araw,” paliwanag ni Weather Specialist Grace Castañeda.

Dagdag pa niya, “Ayon sa ating latest analysis, posibleng lumapit ito sa may area ng Visayas at Bicol Region sa mga susunod na araw na kung saan itong LPA nga na ito ay patuloy na magdudulot ng mga ulan sa malaking bahagi ng Visayas, maging sa ilang bahagi ng Mindanao at Southern Luzon.”

Partikular sa mga lugar na makakaranas ng kalat-kalat na pag-ulan ay ang Visayas, Caraga, Northern Mindanao, Bicol Region, Quezon, Romblon, at Marinduque.

Dahil diyan ay inabisuhan ng PAGASA ang mga apektado ng ulan na mag-ingat sa posibilidad na mga pagbaha at pagguho ng lupa.

Samantala, magiging malamig at maaliwalas pa rin ang panahon pagdating sa Luzon dahil sa epekto ng Hanging Amihan.

Pero nilinaw ng weather bureau na posible pa rin ang kaunti at mahinang pag-ulan sa ilang lugar.

“Ang Northeast Monsoon o Amihan naman ay patuloy pa ring umiiral dito sa bahagi ng Luzon kung saan merong dala rin ng mga pag-ulan sa ilang bahagi din ng Northern Luzon maging sa silangang bahagi ng Central Luzon,” sey ng weather specialist.

Dahil daw sa nasabing weather system, nakataas ang Gale Warning o Babala ng malalaking alon sa ilang dagat-baybayin sa Luzon at Visayas.

Ibig sabihin niyan ay hindi na muna pinapayagang pumalaot ang mga mangingisda, pati na rin ‘yung may maliliit na sasakyang pandagat.

Narito ang kumpletong listahan ng mga lugar na may Gale Warning, as of February 19:

Read more:

Nanuhol yarn: Traffic violation ni Stephen Speaks iimbestigahan ng MMDA

Read more...