‘Bida Next’ grand winner Carren Eistrup pasadong little sister ni Miley Cyrus; umiyak sa unang araw bilang co-host ng Eat Bulaga
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Carren Eistrup
HINDI nagkamali ang “Eat Bulaga” at ang mga Dabarkads all over the universe na si Carren Eistrup ang panaluning grand winner para sa bonggang talent search na “Bida Next.”
Last week, sumalang na nga ang 14-year-old total performer bilang co-host ng “Eat Bulaga” bilang isa na ngayong legit Dabarkads at aminado siya na totoong nangangapa pa siya sa bago niyang journey.
Pero aniya, “Sobrang happy po kasi this is like a once-in-a-lifestime opportunity kaya ko tinake ito. Yung journey ko sa ‘Bida Next,’ I was really serious with what I want to do kasi ang goal ko talaga is manalo.”
Nakachikahan ng BANDERA at ng iba pang miyembro ng entertainment media ang dalagita sa kanyang first mediacon last Tuesday, February 14.
Medyo nasubaybayan namin ang laban ni Carren sa “Bida Next” at simula pa lang ay napansin na namin ang pagkakahawig niya sa American singer-actress na si Miley Cyrus.
At nang makaharap na nga namin siya ay nakumpirma nga namin na papasa siyang younger sister ni Miley. Aniya, marami-rami na ngang nakapagsabi sa kanya na hawig sila ng international singer.
“Opo, marami nga pong nagko-comment ng ganu’n. Of course, nakakatuwa po, nakaka-flatter. But siguro po, eventually, I want to be recognize on my own and not just a lookalike of someone else.
“I want to cultivate my own image. I want to be recognized not just for being a pretty face but for my musical talents. I also dream of performing someday in Las Vegas, where I have some relatives,” aniya.
“My favorite singer po talaga is Grammy award winner Sara Bareilles who’s known for her hit songs ‘Gravity’ and ‘Brave’.
“She also starred in Broadway shows, like ‘Waitress’, which she herself wrote, and got nominated sa Tony Awards,” chika ng bagong miyembro ng Dabarkads.
Samantala, inamin naman ni Carren na nag-cry siya sa unang araw niya bilang co-host ng “EB”, “One time po kasi, first day ko sa Eat Bulaga, sa dressing room po umiyak ako kasi I was very disappointed with myself.
“Feeling ko that I didn’t do great. Ano po kasi, parang hindi ako nakaabot sa mga expectations ng mga tao noong first day ko po kaya hindi ko po naano yung mga comments.
“They said to me na, ‘Panoorin mo ang sarili mo TV so that malaman mo yung mga mali mo and which parts you can improve,’” pagbabahagi ng young singer.
“Pressure din po kasi taalaga siya, especially noong first day ko as Dabarkads. Kasi, ang gagaling talaga ng mga kasama ko. ‘Di ba, ang tagal na po nila sa Eat Bulaga and I’m just starting.
“Pero ‘yung adjustment, I think I’m doing better naman po every day. I’m very open naman po for more improvement. ‘Yung expectations naman ng mga tao sa akin, I’m not taking it as a bad thing,” sey pa ni Carren.
In fairness naman daw, super supportive naman sa kanya ang lahat ng Dabarkads, “Nu’ng first day ko po, parang kinakabahan po ako kasi it’s a new environment kasi nag-a-adjust pa po ako.
“Kaya tinulungan po nila ako by giving advice. Katulad po ni Ate Ryzza (Mae Dizon), parang sinabi niya na pwedeng mag-react, pwede ring kausapin ang mga writers kung pwede ba akong mag-adlib.
“I think, wala naman po akong problem in reading scripts sa hosting. But kasi nga, Tagalog siya, nahihirapan akong mag-isip ng adlib.
“Kasi, Eat Bulaga is more on adlib, so feeling ko yung ang [kailangang] i-improve ko. Pero for the past few days, nagagawa ko naman po, pero kailangan ko pa ring i-improve,” aniya.
“Sobrang babait po ng mga co-host na kasama ko. They make me feel welcome,” dagdag pang pahayag ni Carren na mina-manage ng Merlion Entertainment.
Natatawa rin niyang ibinahagi kung paano niya na-feel na welcome na siya sa “Eat Bulaga”, “Kapag nakaupo na raw po ako doon sa mismong dining table ng hosts’ room, belong na raw po ako as part of the EB Family. So, yun po, nakaupo na po ako doon at kumain na ako kanina!”