Nadine, Mikhail may bagong pasabog matapos mag-number one sa MMFF 2022 ang ‘Deleter’, nakipag-sanib pwersa uli sa Viva
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Nadine Lustre, Val del Rosario at Mikhail Red
MATAPOS tumabo sa takilya at humakot ng award sa Metro Manila Film Festival 2022 ang pelikula nilang “Deleter” muling magko-collab para sa bagong proyekto sina Nadine Lustre at Direk Mikhail Red.
Kung nabitin kayo sa kuwento at tema ng “Deleter” na nag-number one nga sa nagdaang MMFF, kailangang abangan n’yo ang isa na namang suspense-horror movie na gagawin nina Mikhail at Nadine.
Ang tinutukoy namin ay ang “Nokturno” mula pa rin sa Viva Films at Evolve Studios ni Direk Mikhail. Ibinandera ito ng award-winning director sa naganap na presscon para sa partnership ng dalawang film company.
Inaasahang ipalalabas ang “Nokturno” ngayong 2023 (hindi pa sure kung ilalaban sa MMFF 2023). Paglalarawan ni Mikhail sa kanyang bagong pelikula, “this os about a primal and supernatural curse that haunts a rural Filipino family and the daughter who left them to live overseas.”
Bukod dito, pinaplano na rin ang ikalawang pelikula ng Evolve Studios, ang “Helel”, na isang “sci-fi spiritual horror film set in the near future about a Filipina astronaut who encounters the devil.” Wala pang ina-announce na cast members para rito.
Ayon kay Direk Mik, ang “Nokturno” at “Helel” ay dalawa lamang sa mga ipinagmamalaking produkto ng Evolve Studios. Aniya, ang mga ganitong klaseng genre ang ihahain nila ngayon sa mga manonood at sa mga susunod pang taon.
“We will take wild swings, aim for spectacle and fresh concepts, yet ground them in sustainable and feasible production.
“Our films aim to be accessible and exciting to the everyday Filipino audience and will have the craft, production value, and sensibilities for international export as well,” pahayag ni Mikhail sa naganap na presscon last Thursday.
“We want to foster genre talent and collaborate with new and established artists and voices, to reinvigorate the industry and help diversify film output for the average Filipino audience,” sabi pa ni Mikhail na siya ring nagdirek ng “Eerie” at “Birdshot.”
Nagpasalamat din siya sa Viva Entertainment na nagtiwala sa Evolve Studios para mas mapalaki at mapabongga ang kanilang mga future projects
Sabi nga ni Val del Rosario, senior vice president for content creation and development ng Viva Communications, Inc., itinuturing nila ang Evolve Studios “as a means to future-proof its content offerings across genres and platforms.”
Reaksyon naman ni Direk Mik, “We saw the potential of a strong partnership to continuously create quality genre films to reach the new growing audience whose viewing habits have changed due to globalization and rise of international streaming platforms. Viva believed and trusted my vision and voice.”