TILA inaabangan na ng madlang pipol ang pagpasok sa mundo ng showbiz ng dalagang anak nina Aga Muhlach at Charlene Gonzales na si Atasha Muhlach.
Ibinunyag kasi mismo ni Atasha sa isang exclusive interview ng Preview na plano talaga niyang mag-artista katulad ng kanyang mga magulang.
Sa video post ng fashion magazine, inamin ng dalagita na ang pagsabak sa entertainment industry ang isang bagay na nais niyang ituloy upang maipakita ang kanyang pagiging malikhain.
Sey ni Atasha, “The older I get, I kind of realize that this is actually something that I do want to pursue.”
“But yet again, it’s only because it’s a platform that allows me to express my creativity, and growing up I was a very creative kid. I love to create, I love to play music, I just love to try new things,” patuloy niya.
Bukod diyan, sinabi rin ng anak nina Charlene at Aga na game ring siyang maging beauty queen.
“I’m not closing my doors to anything, so we’ll see where the future takes us,” ani Atasha.
Naging viral ang nasabing interview video ni Atasha na umaani na ng mahigit isang milyong views.
Makikita rin sa comment section na libo-libong netizens ang humanga sa pagsagot ng dalagita.
Narito ang ilan sa mga nabasa naming komento:
“Brilliant young lady with beauty, brain at good attitude! I’m a fan of yours Atasha!!!”
“She’s not closing her door [red heart emoji] i saw a lot of potential, go girl! Get one international crown!”
“So beautiful and smart lady… the way she talks seems very down to earth… she has a future in any beauty pageant.”
Matatandaan noong Nobyembre ay nagpasabog ng kagandahan si Atasha sa isang bonggang fashion event sa Paris.
Kasama niya ang kanyang kakambal na si Andres na nagsilbing escort niya sa “Le Bal des Débutantes” sa France.
Isa ang dalaga sa 20 kabataang babae na inimbita sa naturang charity ball sa Paris, kung saan inirampa nila ang haute couture and couture gowns para sa makabuluhang dahilan.
Related chika:
Anak nina Aga at Charlene na si Atasha pak na pak maging Miss Universe