Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

Anne Curtis ‘hot momma’ pa rin sa edad na 38, binati ni Jasmine: You are what I am most grateful for in life

PHOTO: Instagram/@annecurtissmith

COOL na cool at hot na hot pa rin ang celebrity mom na si Anne Curtis.

‘Yan ang kanyang pinatunayan sa kanyang latest photoshoot kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-38th birthday.

Sa Instagram, ibinandera ni Anne ang ilang serye ng ng mga post na ipinapakita ang kanyang iba’t-ibang sexy luxury outfits.

Una na riyan ang kanyang “sun-kissed glow look” habang suot ang isang itim na off-shoulder dress mula sa designer brand na Alaïa.

Caption pa niya, “Chapter 38. [black heart emoji] can’t wait to live and love through every page of you.”

Proud din niyang plinex ang kanyang “toned abs” habang suot ang two-piece swimsuit ng luxury brand na Gucci.

“In my cool mum era,” saad niya sa IG post.

Ipinagmalaki din ni Anne ang kanyang kurbang katawan sa suot na black body-fitting jumpsuit.

Lahad niya, “Birthday suit [black heart emoji].”

Dahil diyan ay bumuhos ang mga pagbati sa aktres mula sa kapwa-artista.

Kabilang na riyan sina Angelica Panganiban, Marian Rivera, Liza Soberano, Pia Wurtzbach, Sofia Andres, Maine Mendoza, at marami pang iba.

Hindi rin ‘yan pinalagpas siyempre ng kanyang kapatid na aktres na si Jasmine Curtis-Smith na mayroon pang sweet message para sa kanyang ate.

Sabi ni Jasmine, “Above all, you are what I am most grateful for in life. Happiest birthday sestra @annecurtissmith, I love you and will forever be your babycurt.”

Dagdag pa niya, “The way you have me in your arms and hands.. Literally and figuratively, I could never compare and ask for anything more.”

Nag-reply naman agad diyan mismo si Anne at inihayag kung gaano niya kamahal ang kanyang kapatid.

Sey ni Anne, “Love you soooo much. To quote one of my favorite books I like to read Dahlia ‘I love you forever.. I love you for always… as long as I’m living, my baby you’ll be’ you’ll always be my bb curt!”

Related chika:

Lolit Solis humanga kay Ice sa pagdidirek ng The EDDYS: ‘Very professional at cool na cool na direktor’

Read more...