Vin nangakong hindi hihiwalayan si Sophie, na-hurt nang madamay sa pang-ookray ng bashers kina Aljur at AJ
By: Ervin Santiago
- 2 years ago
Vin Abrenica at Sophie Albert
NASASAKTAN si Vin Abrenica sa pamba-bash at pangnenega ng netizens sa kanila ni Sophie Albert nang dahil sa pag-amin nina AJ Raval at Aljur Abrenica sa tunay nilang relasyon.
Kung anu-ano kasing masasakit at malilisyosong salita ang ibinabato ngayon kay Vin nang lantaran nang inamin ng kapatid niyang si Aljur ang tungkol sa kanila ni AJ.
Pero sa gitna nga ng mga intriga, siniguro ni Vin na hindi raw niya hihiwalayan ang kanyang asawa.
“Inaamin ko naman eh, kahit ako nadadamay ako. I just got married. And all of the comments na sinasabi, ‘Maghihiwalay din kayo,’ na parang I’ll give it three years. It’s so painful,” ang emosyonal na pahayag ni Vin sa “Fast Talk with Boy Abunda” kahapon.
Aniya, apektado rin daw si Aljur ngayong nadadamay sila ni Sophie sa kontrobersyal na pag-amin nila ni AJ about their relationship.
“Imagine for me, masakit ‘yon, also for him. Na, ‘Bakit ginaganyan ang kapatid ko? Wala namang kinalaman ‘yan.’ Masakit Tito Boy. We’re going through that now. Me and Sophie hindi naman nagma-matter masyado, but ayun, mahirap na lang magsabi,” sabi ng aktor na isa sa cast members ng latest Kapuso series na “Mga Lihim Ni Urduja.”
Ipinagdiinan pa ni Vin na wala siyang planong hiwalayan si Sophie at hinding-hindi raw niya lolokohin ang asawa, “I mean come on guys. We’re 10 years.
“Sa marriage namin, nagpakasal kami kasi we’re 10 years na, we have a beautiful baby girl, and wala kaming naging problema for that 10 years,” sey pa ng aktor.
“Everything in that 10 years has been so happy, and I’m not planning to break the relationship or wala akong pinaplano na give it three years, give it two months, or kapag nagkaanak din ‘yan ng dalawa, maghihiwalay din sila,” dugtong pa niyang sabi.
Kumusta naman ang pagsasama nila ni Sophie? “Super nice. Ever since naman she’s out my league. She’s the best woman I could think of. She’s so smart, so polite, she makes me feel like I’m so secure.
“Kaya I’m doing my best talaga to be someone na deserve niya,” aniya pa.
Super hands-on daddy din ang aktor sa anak nila ni Sophie na si Baby Avianna, “It’s the best. There’s a reason for everything that I do now.
“Meron nang dahilan, may dahilan ako kung bakit ako gumigising, may dahilan ako kung bakit ako nagbubuhat, may dahilan kung bakit ako nagtatrabaho.
“Lahat ng ginagawa ko ngayon may dahilan at siya ‘yon. Napakasarap. It’s so rewarding,” chika ni Vin.
“Kasi dati walang dahilan?” ang sundot na tanong ni Tito Boy sa kanya. Na sinagot ni Vin ng, “Kilala mo naman ako. Ganu’n ganu’n lang ako, kahit saan lang ako. But now it’s so rewarding.
“Since six months up to now, she sleeps through the night, wala na siyang gising in the middle of the night. Meron kaming sleep training na nagawang routine at night,” pagbabahagi pa ng Kapuso hunk.