MARAMI na sa mga netizens ang kinikilig matapos malaman na si Mark Leviste ang “determined man” na tinutukoy ni Kris sa kanyang post.
Matatandaang nag-post ang Queen of All Media sa kanyang Instagram account si kahapon, birthday niya, patungkol sa kanilang lagay sa USA pati na rin sa isang mystery guy na willing mag-travel for 13 hours para makasama siya.
“I have a wonderful support system from my 2 sons, Alvin, Rochelle, Ate Rome, old friends & new friends here in the [USA]… but you need to be a very determined man of your word to fly 13 hours each way to spend a few days with me on my birthday. For his effort I am GRATEFUL,” bahagi ng post ni Kris.
Marami nga ang nakapagtahi ng mga post at napagtantong ang Batangas Vice Governor na si Mark Leviste ito dahil parehas na artcard ang pinost nito na may nakasaad na “Distance is just a test to see how far love can travel”.
At napatunayan nga ito ng mga netizens nang mag-post ang vice governor ng pagbati kay Kris kasama ang larawan nila together.
“Made it just in time for your birthday and Valentine’s Day. It may have taken more than 7k miles to be with you, but I wouldn’t have it any other way. Although we have been apart, now that we’re together fills my heart. It is for this reason my love and my dear you will always and forever feel near,” lahad ni Mark.
Dagdag pa niya, “Happy Birthday to you and Happy Valentine’s Day to us @krisaquino!”
Marami naman sa mga netizens at maging mga celebrities ang talagang kinilig sa naging pagbati ni Mark kay Kris.
Ngunit agad namang nilinaw ni Kris ang tunay na namamagitan sa kanila ng Batangas Vice Governor.
“May we clarify- together physically in the same place… I appreciate all your effort (through the years) BUT please clarify that we agreed the best foundation for any & all relationships is FRIENDSHIP. I know I state with 100% accuracy, you’re my best male friend,” saad ni Tetay.
At ayun na nga, friendship lang talaga ang meron sa pagitan nila at mismong si Kris na ang nagsabi na best of friends lang sila ni Mark.
Well, hindi naman ito ang unang pagkakataon na nagkasama ang dalawa dahil kamakailan lang ay lumipad rin ang vice governor pa-Amerika at magkasama silang nag-New Year.
Related Chika:
Kris sinupalpal ang ‘panliligaw’ ni Mark Leviste: Napaso na sa player at elected official
Kris nagpaturok na rin ng COVID-19 vaccine; may hirit kay Mark Leviste