Gab Valenciano ‘superhero’ ang turing sa dating yaya, iniligtas noon sa tiyak na kamatayan

Gab Valenciano 'superhero' ang turing sa dating yaya, iniligtas noon sa tiyak na kamatayan

Gab Valenciano at Yaya Linda

IBINANDERA ng musician-director na si Gab Valenciano ang pagmamahal at pagpapahalaga sa kanyang longtime yaya na itinuturing na rin niyang tunay na kapamilya.

Sa pamamagitan ng social media, ibinahagi ni Gab ang kanyang madamdaming birthday greeting kay Yaya Erlinda “Linda” Cabangon na nagdiwang ng kaarawan last Monday, February 13.

Ayon sa post ni Gab sa Instagram, nagpapasalamat siya kay Yaya Linda sa pag-aalaga sa kanya sa loob ng mahabang panahon. Ilang beses na rin daw iniligtas nito ang kanyang buhay.

Gab Valenciano diagnosed bilang pre-diabetic; nais maging better para sa sarili

Tinawag pa ni Gab si Yaya Linda na isang “hero without a cape” kaya naman habangbuhay niya itong mamahalin at pasasalamatan na parang tunay na magulang.

“Quick story. When I was a couple of months old, I had severe colds and a stuffy nose and was struggling to breathe; to the point that I started to turn blue.


“With no medical training or equipment, this lady took it upon herself to physically suck my nose to clear out the congestion.

“As repulsive as it sounds, she did it anyway and it worked. In short, I wouldn’t be here today if not for her,” ang bahagi ng caption ni Gab sa kanyang IG post.

Gab Valenciano sa mga Pinoy: Hangga’t may nangangailangan, tuloy ang laban…hanggang dulo!

“Happiest birthday to someone who helped raise me since birth and who I cherish beyond words. I love you Yays!

“Thank you for blessing our family with your unconditional love and care all these years.

“Our family has missed you since your retirement, but will always remember the countless hours of hard work and lessons you instilled in us all those years,” mensahe pa ng anak nina Gary Valenciano at Angeli Pangilinan.

Binati rin si Yaya Linda ng tiyuhin ni Gab na si former Sen. Kiko Pangilinan, “Happy birthday Yaya Linda!!! (red heart emojis).”

Gary, Angeli nagbabala sa mga nambu-bully kay Gab sa socmed: Pease stop bashing our son, God bless you

Read more...