‘Gulay bouquets’ pakana ng community pantry organizers ngayong Valentine’s Day

‘Gulay bouquets’ pakana ng community pantry organizers ngayong Valentine’s Day

PHOTO: Dacebook/Patreng Non

GUSTO niyo rin bang magbigay ng bouquet sa inyong mga minamahal ngayong Valentine’s Day, ngunit kayo’y nagdadalawang-isip dahil tila hindi ito praktikal sa inyong budget?

Aba, worry no more!

Dahil magkakaroon ng “gulay bouquet” ang community pantry organizers sa Maginhawa Street sa Quezon City.

O diba, napasaya mo na ang iyong mahal sa buhay, mapapakinabangan pa nila ‘yung mga gulay na ibinigay mo.

Sa mahal ng mga bilihin ngayon dulot ng “inflation,” tiyak na makakamenos sa palengke o grocery ang mabibigyan mo ng gulay bouquet.

Bukod pa sa praktikal, makakatulong ka pa sa mga magsasaka at komunidad.

Ayon kay Ana Patricia Non, ang founder ng “Maginhawa Street Community Pantry,” ang makakalap nilang benta sa naturang bouquet ay para mapanatili ang operasyon ng community pantry.

Sey niya, “Plano po natin ituloy ang pag-connect ng farmers natin directly sa ating consumers na walang takot mabulukan ng gulay, malugi o mabarat ng traders.”

Dagdag pa niya, “Naniniwala po kami na hindi lang dapat iyong mga gulay ang dumadating sa atin, dapat iyong kwento din nila.”

Aniya, “At saka dapat lahat tayo, maayos iyong pagkain ng pamilya.”

Ang gulay bouquets ay nagkakahalaga ng P1,650 kasama na ang shipping fee para sa Metro Manila.

May timbang ‘yan na limang kilo at sari-saring gulay na ang meron.

Sa February 12 at 13 nakatakdang i-deliver ang mga nasabing bouquet simula 10 a.m. hanggang 6 p.m.

Related chika:

Estudyanteng nagtapos sa University of Antique nag-viral dahil sa kanyang ‘resi-bouquet’

Read more...